Saturday, July 23, 2011

Day 9.


            Ngayon ko lang na appreciate ang kagandahan ni Solenn Heusaff pagkatapos kong mapanood yung temptation island. Hindi ko kasi napapansin dati yung kagandahan niya eh. Sizzling hot and Seducingly sexy pala talaga siya. haha.

          Ok naman yung palabas kahit na medyo wala sa hulog yung ibang part dahil walang koneksyon sa storya at wala masyadong thrill. Kung sa comedy pwede to dahil nakakatawa si Josua, si John Lapuz sa pelikula. Gamit na gamit ang salitang malandi at bitch sa pelikula. parang lahat sila naging bitch na. hahaha. yun lang. RSJ mamaya.

          July 23, 2011. Nag date kami ni Yeng kanina. Excited ako last week pa naplano at eto na nangyare na. Nag Rob Manila lang kami naglakad lakad lakad. nanood kami ng sine. Ang takaw ko pero siya hindi. Masaya dahil eto ang unang date namin ni baby at syempre nakapagbonding kami ng husto. May mga sweet moments na hindi ko malilimutan. Hug and Kisses din syempre! Basta mahal na mahal kita baby! yun lang! sana naramdaman mo nung magkasama tayo kung gaano kita kamahal. salamat! sana nababasa mo to. iloveyousomuch. :) 


Friday, July 22, 2011

Day 8.

PUYAT at PAGOD.

Bow!

Pa like ng page ko sa facebook. hahaha

Totoo palang kapag busy ka na sa kung ano mang career mo sa buhay, mahihirapan ka ng i-balance ang oras para sa sarili mo pati sa taong mahal mo. pero kung para sa pag-ibig, alam kong napakadaming paraan para mabigyan ng tamang importansya at tamang oras ang iyong minamahal sa pamamagitan ng pagibig. (Emo moment of the Day.) lol


Thursday, July 21, 2011

Day 7.

"March 28 2010 ko siya nakita at inadd sa plurk."

            Nagsimula ang araw ko kanina nung pag usapan namin kung kailan nga pala kami unang nagkakilala. kay ara ko siya unang nakilala last year. pati kay haj. magttropa pala sila. medyo adik pa ko sa plurk noon kaya napapa comment ng kung ano ano. eto yung mga ebidensya. HAHAHA. 

March of 2010









May mga panahon din na inaasar ko pa siya kay tabs. hindi ko aakaling mapapamahal ako sa kanya. 

Eto mga bandang november na kasi nung bandang summer nasungitan lang nila ko kaya medyo aloof.


Tapos summer lang ulet this year nung nagkausap kami at tuloy2 na. Salamat kay God dahil binigyan niya ko ng pagkakataong mahalin si yeng. :)

ILOVEYOUBABY! 

Goodnight song para antukin.


Wednesday, July 20, 2011

Day 6.

Quote of the day ---- ''Hindi ako tamad, matipid lang talaga ako sa enerhiya.'' HAHA.

 What is the best love song?
ETO OH. 

Centralized aircon na bahay o Condo. Kahit ano sa dalawa. Dun na kami titira ng asawa ko. 
O pwedeng sa kapitbahay nalang o sa kalsada, basta ang mahalaga eh kasama ko Siya. yemen!

 Yaj - Mabigat <> Yeng - Mataba. 
HAHAHAHAHA!

MAS OKAY NG MABIGAT KESA MATABA. LOL

iloveyoubaby.

Tuesday, July 19, 2011

Day 5.

Soundtrip muna. pampagana.

         Nagising ako ng alas diyes ng umaga. wala kong unang ginawa kundi mag bukas ng pc at mag internet. mag ffacebook, magttwitter at youtube, hindi youj*zz o youp*rn ah. hahaha. Una kong ginagawa kapag nag ttwitter ako ay ang mag log in syempre. HAHA. pag log in ko @mentions yung una kong tinitingnan bago mga posts. pag tingin ko kanina wala ng @superyng. syempre mini heart attack nanaman, naisip ko baka dinilete nanaman niya yung twitter niya. ni-refresh ko wala pa din. napamura na ko. gising na gising na ko bigla. tinamad na ko kumain at pumasok dahil dun. pag view ko ng profile niya walang followers at following. "Mukhang nagloko nanaman tong putang inang twitter na to." yun agad nasabi ko sa sarili ko. tinext ko si yeng at ang sabi niya may twitter pa naman daw siya. kaya ayun sinipag na ulet ako kumain at naligo na ko para pumasok. late nga lang. haha

Kawawang ibon. Napagod siguro kaka-follow.

       At kanina pag uwi ko trending sa twitter ang #whentwitterwasdown, kaya ayon. asusual nagloko nanaman ang twitter kaya medyo kinabahan at nagpanic ako kaninang umaga. ---------- Kamusta naman ang araw mo? Okay naman ang araw ko. kulitan pa din sa skul at medyo perfect sa isang prelim exam, wala eh masipag eh. madiskarte pa! hahaha. Tapos ko na din yung project sa SAP, thesis nalang talaga ang problema hanggang ngayon. Walang katapusang thesis. May natatapos kami tapos biglang may ipapadagdag. eh di parang wala din. baog! Kung yayaman lang talaga sa thesis na yan tinapos ko na yan eh.
KABURAT.

Kilig lines galing kay yeng ngayong araw:

  • Hello Boyfriend!
  • Hindi ako magpapaagaw.
  • I LOVE YOU!
ILOVEYOUFOREVER!



        

Monday, July 18, 2011

Day 4.

Just an ordinary happy day. 
Miss ko na siya.
Gusto ko mahawakan yung kamay niya.
Gusto ko siyang yakapin.

Gusto kong makita yung mga ngiti niya.
Gusto ko makita yung kagandahan niya.
Gusto ko na siya makasama.
SINO PA BA? EH DI SIYA.

Tapos nanaman ang araw.
Balik eskwela nanaman bukas.
Mahal ko pa din siya.
Mahal na mahal.

magkatext kami ngayon.
masaya ako dahil masaya naman siya, alam ko.
Hindi pwedeng matapos ang araw na hindi ko 
nasasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal.
basta ang alam ko, gusto ko na siyang itanan. HAHAHA. joke lng yun.

ABANKKBSNPLKO

MHLNMHLNMHLNMHLNMHLNMHLKTAYENG!

Sunday, July 17, 2011

KAMI NA! ni Lorraine Dela Rosa Villavicencio


NAPA BLOG TULOY NG DE-ORAS.
Matapos ang napakadaming disukusyon, pagtatalo, pagkalungkot, tuwa at kilig. July 18 na ngayon, July 17 knina nung nalaman ko na kami na. Pero nung 14 pa pala niya ko sinagot. hahaha. imba lang kasi hindi ko alam na sinagot na pala niya ko non. nung July 14 tinanong niya ko sa twitter.
Napaisip ako kung san nanggaling yung tanong na yun. tinanong ko siya, sabi ko. anung klaseng multiple choice yan walang tanong? Eh sinindak ako sumagot daw ako. Napaisip ako kung anung meron sa letter A, B at C. Syempre dahil Baby ang tawag ko sa kanya at Baladjay ang apelyido ko, letter B ang unang pumasok sa isip ko. Naisip ko din na baka A yung tamang sagot kasi kapag letter A parang number 1 yung meaning, eh syempre siya lang naman number 1 sa puso ko kaya pwedeng yun nga yung sagot. yung letter C naman hindi ko na inisip na piliin dahil hindi ko naman gusto yung letter na yun at wala kong maisip na dahilan para piliin ko yung C. nag desisyon na ko. pinili ko yung letter B. yun yung mas angat sa lahat eh. sabi ko sa kanya letter B. yung sagot ko. Nagreply na siya. Mali daw yung sagot ko. hahahaha. A pala ang tamang sagot. tinanong ko kung para saan, A = Yes, B = No, C = Not now. yun pala ibig sabihin nung mga yun. Napaisip ako kung para saan yung Yes, No at Not Now na yun. Dahil nililigawan ko siya unang pumasok sa isip ko na baka hindi ako sagutin dahil No ang pinili ko. Nalungkot talaga ko non, hindi ako sumaya nung gabing yun dahil doon. 
Yang mga linyang yan na pala yung magsasabi na sinasagot na niya ko.haha. Hindi ko na naisip yun kasi malungkot na ko nung mga oras na yun. Malungkot lang. lol. 

"May 26 2011 - July 14 2011"
Yan yung date ng panliligaw ko, hindi ganun katagal pero madami na kong na experience. madami na kong nalaman sa kanya at madami na din akong nagampanan. Yung feeling na parang kayo na ng isang taon. Madami na siyang naiparamdam at naipakita ng pagmamahal niya sa akin. madami na din siyang nasabi na ikinatuwa ko at sa ganung paraan nararamdaman ko na mahal niya ko, kahit na hindi kami masyadong nagkikita dahil busy siya kakaturo sa mga estudyante niya sa arellano at pumapasok din naman ako sa school dahil isa kong masipag na mag-aaral. haha 

Sa oras na ito, wala na kong ibang gustong gawin kundi mahalin siya at pasayahin. Gusto kong magpasalamat kay Lord dahil binigyan niya ko ng chance mahalin ang isang katulad ni yeng. Sobrang lungkot ko maghapon pero ngayon sobrang saya ko kapag naiisip kong kami na nga talaga. Mini heart attack nung nalaman kong kami na. Sarap sa pakiramdam. Unti unti ng natutupad ang mga wish ko sa buhay. :)

Magyayabang lang. hahahaha

"Always and Forever."

I LOVE YOU YENG!