Saturday, March 17, 2012

Day 247.

Sorry din baby. Sorry pero yun talaga pinaka ayoko sa lahat eh. ewan ko ba kung bakit hindi ko mapigilang mainis kapag naghihintay ako at wala akong ginagawa o kasama. Tsaka napagusapan naman kasi natin ung oras kung anung oras tayo magkikita diba. sorry kung ndi ko napigilan sarili ko na hindi mainis. wala eh. Basta mahal kita. bawi nalang tayo sa next pyro kung kelan man yun. basta ako sulit araw ko dahil kasama naman kita kahit na hindi tayo masyado nakapag usap. mahal na mahal kita! :)


Pyromusical 2012

Ilang linggo nang nakakalipas nung pinagplanuhan natin na manunuod tayo. Sa huling araw, manunuod tayo. Sigurado na tayo dun. Hindi ko sinasadya na hindi ko alam kung nanong oras matatapos ang practice ng graduation. Hindi ko sinasadyang paghintayin ka. Hindi ko sinasadyang sumama yung loob ko sa nangyari. 
Kaninang umaga, masayang masaya kong gumising at hiniling ko na kay Lord na sana maging masaya ko hanggang matapos ang araw. Alam ko magiging makabuluhan ang araw na to dahil sa araw na ang una at huling practice para sa graduation ko, mapapanuod ko ang huling araw para sa Pyromusical na gustong gusto ko at higit sa lahat makakasama kita. 
Alam kong sobrang babaw na sumama yung loob ko na hindi natin napanuod ang Pyromusical pero sobrang saya ko lang talaga kapag nakakapanuod ng Fireworks Display. Alam kong alam mo yun kung gaano ako kasaya sa mga fireworks display. Sobrang sama ng loob kong tanggapin na kahit kailan hindi mo na ko makakayang hintayin. Alam ko yun simula palang umpisa na ayaw mo ng naghihintay pero sakin? hindi ko alam pero nakakasama lang talaga ng loob. Lalo pa’t alam ko yun sa sarili ko na kahit kailan hindi ko sinasadyang maghintay ka sa akin. 
Hindi ko alam yung magiging reaksyon ko nung nakita kita. Sa sobrang sama ng loob ko, hindi ko makaya ibuka yung bibig ko. Nung dumating ka sa foodcourt, mas lalo pang nakakainis na nauna mo pang batiin yung mga kakilala/kaibigan mo (Hindi ko alam) kesa sa akin. Alam mo yun? Nakakainis. 
Habang nanunuod na tayo ng movie, hindi ko na talaga mapigilang umiyak. Nadagdagan lang ng nadagdagan yung sama ng loob ko. Pero paulit ulit nararamdam ng puso ko na kahit ano pang bagay ang gusto ko, mas gugustuhin ko pa rin ng makasama ka. Kahit ayaw mo na kong kausapin, kahit ayaw mo na kong hawakan, kahit pa ayaw mo na sakin, ikaw pa rin ang gusto. 
Baby, alam kong mahirap akong pakisamahan at nakakasawa na. Sorry. Sorry pero mahal na mahal kita. Mahal na mahal na mahal kita. 

-lovelettersfromyeng

Friday, March 16, 2012

Day 246.

Syempre bihira lang naman ako gumimik dahil ndi naman ako conyow. haha. pero syempre iba pa din kapag may experience ka na ganun. Tamang chill lang sa malakas na beat ng speakers at malupit ng musika ng DJ. Nagsasayawang mga tao at maraming alak. First time ko sa Republiq at sa tingin ko hindi nawawalan ng maganda dun. hahahaha.


Thursday, March 15, 2012

Day 245.

Isa sa mga sweet letters sakin ni yeng.

A Night To Remember.

Matagal ko na rin namang wish na makasama ka matulog pero hindi ko inasahan na mangyayari yun kagabi. March 14, 2012
Hinding hindi ko makakalimutan yun. Ang saya saya sa pakiramdam. Yun katabi ka sa pagtulog, ikaw ang huling nakita ko at sa paggising ko, ikaw ang unang nakita ko. Sobrang sarap at saya sa pakiramdam na habang sinusulat ko to, ramdam na ramdam ko pa din yung saya. Yung kitang kita ko kung gaano ka katagal bago matulog, gaano ka katamad bumangon at yung reaksyon mo sa panahong pagdilat ng mata mo, ako yung nakita mo. Kahit pa parehas tayong nagsinungaling para lang magkasama tayo kagabi pero kung ganun kasaya baka gustuhin kong magsinungaling ng paulit ulit. Mas magiging masaya nga lang kung hindi na natin kakailanganin pang magsingunaling magkasama lang sa pagtulog sa bawat gabi. Yung nangyari kagabi, isang kakaibang experience yun para sakin. Para kong nanuod ng trailer sa isang pelikulang mararanasan ko balang araw. Sana, sa mga susunod na araw, sa mga susunod na panahon, kung ano tayo ngayon, ganun pa rin tayo habangbuhay. 
Bilang ako, siguro naman alam mong hindi matatapos ang post na to na walang kasamang drama. Tulad ng lagi kong sinasabi sayo, Ikaw ang pinakamaganda at pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Ikaw yung nagpapasaya, paminsan-minsang nagpapaiyak, nagbibigay inspirasyon, nagpapalakas ng loob, nagpapatatag  at nagbibigay ng kulay sa buhay ko. Tulad ng palagi kong ipinapaalala sayo, sayo lang ako at hindi kailanman makukuha ng iba, mamahalin kita habangbuhay at mananatili ako sa tabi mo hanggang sa gusto mo. Kung dumating man sa pagkakataong ipagtabuyan mo na ko, isa beses ko pa ulit kukumpirmahin kung yun ang makakapagpasaya sayo. Masyado kitang mahal para pakawalan at araw araw kong ipaglalaban ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa iyo. Araw araw kong ipinagdadasal sa Diyos na gabayan ka at tulungan akong iparamdam sayo kung gaano kita kamahal at kung gaano kita ka-gustong makasama sa habang buhay. 
Lulubos lubusin ko na rin ang post na to. Mainis ka man, bahala na. Ikaw na rin ang nagsabi sakin na maging open ako sayo, sabihin ko sayo ang mga nararamdaman at naiisip ko. Sa mga pagkakataong hindi mo nagugustuhan ang mga nangyayari sakin, naiisip ko at mga sinasabi ko, pasensya na pero wala na kong kayang itago pa sayo. Madalas na puro ako drama sayo pero wala rin kasing mapagsasabihan ng mga ‘yon kundi ikaw lang tulad ng ikaw na lang rin naman ang nagtatyagang makinig sakin. Salamat sa lahat ng mga pagkakataong hindi ka nagsasawang pakinggan ako, palakasin ang loob at manatili pa rin sa tabi ko kahit alam nating mahirap akong pakisamahan. Salamat sa mga pagkakataong ipinaparamdam mo sakin na importante ako at sa pagtanggap sa akin kahit ano o sino pa ako. 
Kung isusulat ko ang mga bagay na ipinagpapasalamat ko sayo, baka hindi na ko matapos. Walang sasapat na salita ang makakapagbigay kahulugan kung gaano ko kasaya na dumating ka buhay ko. Mamahalin kita sa abot ng makakaya ko at paraan na alam ko. Mahal na mahal na mahal kita baby. Maligayang ika-walong buwan para sa atin. :)
-lovelettersfromyeng

Day 244.

Natupad na ang isa sa mga wish ko para samin ni yeng. ang makasama siya sa pagtulog. wish granted. 
I love you baby! happy to see you again! mwa! :)

Tuesday, March 13, 2012

Day 243.

Naalala kong nakita na kita dati sa personal at masasabi kong swerte na ko at nangyari yun. 
Sikat na sikat ka sa larangan ng musika. Maraming salamat Kapatid.
R.I.P. Karl Roy (2012)

Nakakatawa ka din dito sa palabas mong to. High school life! haha

==================================================-
Hello crush!!
 ANG GANDA MO DITO!! I LOVE YOU CK! :)

Monday, March 12, 2012

Sunday, March 11, 2012