Tuesday, August 2, 2011

Day 18.

Napakasakit lang naman ng ngipin ko. mapapamura ka sa sakit eh.

Buong araw ata akong nakahiga lang dahil sa sakit ng ngipin ko, iinom ako ng gamot tapos mamaya masakit nanaman. iinom ng gamot tapos sasakit ulit. gusto kong sumugod sa dentista para magpabunot pero wala eh. sa lunes pa yung schedule sa dentista. kaya no choice kung hindi mag tiis nalang muna.

SAKIT NG NGIPIN KOOOOOOOOOOOOOOOOOO!

Napapaisip tuloy ako kung may silbi ba talaga ang pag ttoothbrush. dahil kahit magtoothbrush araw araw bakit pa darating sa ganitong pagkakataon. na mamimilipit ako at manghina dahil sa sakit na nararamdaman ko. katamad tuloy gumawa ng kahit ano. hihiga nalang ako at matutulog.

No comments:

Post a Comment