Sunday, November 7, 2010

talastas.


masaya sa tuwing ika'y nakikita at iniisip,
kasiyahang mahahanap mo lang sa panaginip.
tagapagligtas ng puso mong naghihingalo
sana'y hindi na natapos to.


kayang mabuhay ng nagiisa 
pero nais ko ay makapiling ka.
kayang mabuhay ng wala ka 
pero pinangarap kong ikaw na.

bakit mo iisipin kung wala na.
bakit mo hihilingin kung wala na.
bakit mo hahanapin kung wala na.
wala na. wala na nga. wala na.


at ngayon nagiisip ka,
iniisip mo kung bakit iniwan ka niya.
iniisip mo na sana kayo na,
kaso mas pinili mong maging tanga.