Thursday, June 14, 2012

Day 336.


St.Jude

Oo, ikekwento ko. Kinikilig naman kasi ako eh. :”>

Monthsary kasi namin ngayon. 11th monthsary. Kagabi ng 11:55, nag alarm na yung cellphone ko na 5minutes bago nga yung monthsary namin. Nag 12am na, tinext ko sya ng Happy Monthsary. Alam ko wala nga syang load kaya naghihintay na ako na magtweet sya, magpost sa wall ko o mag-viber. Super hintay ako pero wala talaga. May tweet lang sya: “Ika labing isa”. Nagtweet ako na tulog na lang ako. Tapos nabasa ko kaninang umaga na, nagreply pla sya dun. 
So, ayun nga. Tanghali na, wala pa din syang greeting. Medyo super nagtatampo na ko. Tapos bigla nag alarm viber ko. May message pala, tatlo. Ayun. medyo nawala na tampo. 
After lunch nagpunta na ko ng Libertad. Nagpa-medical na ko. Super saglit lang yun tas nagpunta na ko ng SM Manila. Dun ko na mga 3 1/2 hours hinintay sila Ara at Russel kasi mag attend kami ng mass sa St. Jude dahil thursday ngayon. Then after ng mahabang paghihintay, dumating na sila. Nag ikot ikot muna kami sa SM then dumiretso na kami sa St.Jude. Normal lang. Masaya pa kasi nakaupo kami at sa unahan pa! Ayun. Then lumabas na kami. Bumili pa kami ng candles tapos di ko naman nasindihan kasi naglaglag yung sakin. Nalungkot pa ko kasi baka di matupad yung wish ko. Haahaha!
Then natapos na yung mass. Sabi ni Ara, sandali lang daw. Hintayin nya lang daw yung ‘friend’ nya. Niloko ko pa sya na sino na namang lalaki nya yun. Umupo muna kami. Then nakita ko na si Boyfriend. Superduper bumilis yung tibok ng puso ko eh. Bakit sya nandun?!? Then ayun na nga. Yun pala, pinag usapan na nila na susunod nga si Boyfriend. Kumain muna kame sa Mcdo bago umuwi. In fairness, Nasurprise talaga ko ng sobra. Hindi naman kasi ako sinusurprise nun at enebeeee, natuwa talaga ko. :”> 
Basta, tuwang tuwa talaga ko. Happy 11th Monthsary Boyfriend! I Love You!!! 

- Love letters from yeng.

Tuesday, June 12, 2012

Day 334.


Ganda tlaga ng boses nito ni Maja dati pa ko nag rerequest na mag upload ng video sa internet eh. buti naman at naisipan niya ding gumawa. hahaha. Click nyo yung link sa taas para marinig nyo. :D

==============================================

MAMAYA NA!
HEAT vs. THUNDERS

Monday, June 11, 2012

Sunday, June 10, 2012

Day 332.

Ayoko ng magsalita sa laban ni Pacman. Lalo lang ako naddisappoint.

Isipin ko nalang na kaya natalo dahil dito.