Saturday, March 31, 2012

Day 261.

HAPPY EARTH HOUR! :)


Day 260.


Hindi naman akong perpektong girlfriend, wala rin kasing perpektong tao. Nagkakamali ako. Nakakapagsalita ng mga bagay na hindi man sinasadya pero nakakasakit. Maikli ang pasensya. Mainitin ang ulo. Iritable. At marami pang iba. Kilala mo ko at siguradong mas madami ka pang masasabi tungkol sakin bukod dito. 
Hindi ko sinasadya na masaktan kita kagabi. Hindi ko talaga sinasadya. Biro lang naman e. Hindi ko alam na masasaktan kita dun. Kahit kailan naman hindi ko ginustong masaktan kita. Hindi ko gustong malungkot ka. Kaligayahan mo lang naman kasi yung gusto ko. Yung makita kang nakangiti, tumatawa at masaya. Yun ang gusto ko. Lagi ko ngang tinatanong ang sarili ko, ano bang magagawa ko para mapangiti kita? Mapatawa ka? Mapasaya ka? Minsan, hindi ko na talaga alam. Lagi kong kinikwestyon yung sarili ko kung sapat na ba ko para sayo. Oo, hanggang ngayon ganun pa rin ako. Kasi gusto kong maging masaya ka sakin para wala kang maging dahilan para iwanan ako. Wala kang dahilan para makipaghiwalay sakin. Walang dahilan para hindi naten harapin ang habang buhay ng makahiwalay. 
Araw araw kong pinagdadasal kay Lord na sana ako na nga. Ako na lang yung para sayo kasi ako, alam ko ikaw yung para sakin. At kung hindi man, ipipilit ko pa rin na ikaw nga kasi ikaw ang gusto kong makasama sa araw araw, bawat minuto at oras, bawat panahon, habangbuhay. Ikaw ang gusto ko. Tayong dalawa. Tayong dalawa lang at ang magiging pamilya natin sa darating na tamang panahon. 
Mi isipin hindi ko makayang wala ka sakin. Ilang buwan palang, wala pa ngang isang taon pero alam kong hindi na ako magiging kumpleto kung mawawala ka. Kahit anong hirap, kahit bumibigay na ko, kahit ano pang pagsubok ang dumating, mas gusto kong ikaw ang makakasama ko kesa sa iba. Ikaw lang. Kahit ano pang hirap, hinding hindi ako bibitaw. Ikaw ang gusto kong makasama sa oras ng kasiyahan at mas gusto kong ikaw ang makasama sa oras ng paghihirap at pagsubok. Alam ko namang makakaya basta nandyan ka. Nandyan ka para sakin. Para satin. 
Sayo ko natutunang maniwala na makakaya ang lahat ng bagay kung gugustuhin. Kaya kung gugustuhin nating tayong dalawa na habang buhay, makakaya natin. Lalo pa kung hindi tayo susuko o bibitaw sa isa’t isa. Makakaya natin lahat ng pagdadaanan natin basta susuportahan natin ang bawat isa at magtutulungan. Yun naman ang lagi nating sinasabi db? Magtutulungan tayo. Magtutulungan tayo para makuha natin kung ano mang gusto natin. 
Sabi nga ni Dimples Romana, magiging mahirap at masakit pero all the pain will be worth it. Hindi naman kasi puro sarap at saya lang ang pagdadaanan natin eh. Susubukan din tayo/ang tatag natin ng panahon, pagkakataon, pagsubok at paghihirap pero lahat yun makakaya natin lagpasan kung gugustuhin natin at magkasama tayo. 
Ipapangako ko sayo at sigurado akong tutuparin ko ang pangako na to. Magpapakatatag ako para sayo, para satin. Hinding hindi ako bibitaw. Hindi kita kailanman iiwan. Mamahalin kita palagi, ngayon at magpakailanman. Sayo lang ako habangbuhay. 
Mahal na mahal na mahal na mahal kita!

-YENG

Tuesday, March 27, 2012

Day 257.

Gusto ko na mag apply. Gusto ko na magtrabaho, kaso hindi ko alam kung paano sisimulan. hahaha. 
MADTANKS!

Sunday, March 25, 2012

Day 255.

Eksayted na ko grumaduate kahit na hindi ko pa din alam kung anung susunod na mangyayari. Go with the flow nalang. hahaha. Masaya naman ako sa kung anung meron ako ngayon. Trabaho nalang talaga kulang para makapag ipon. #NEWCHAPTER

Day 254.


TAO LANG - LOONIE