Saturday, August 27, 2011

Day 44.

Napaisip ako kanina kung ano nga ba ang pinagkaiba ng Shooting star sa Falling star?

Ang sabi ni wiki answers ay:
"Meteors are made up of rocks and ice and dust from space where as shooting stars are falling stars."

Hindi ko pa din gets kung anong pinagkaiba. pero tingin ko pareho nga lang. meteors, comets, asteroids, etc.

Sarap siguro yung pakiramdam na kasama mo yung mahal mo at nasasaksihan ninyo ng sabay ang kagandahan ng gabi na may nakangiting mga bituin at nakakabilib na buwan. 

ISA SA MGA PANGARAP KO TO. 

Sana matupad.

Day 43.


ISA SA MGA LUMA KONG POST. REPOST LANG DAHIL USO ANG DENGUE NGAYON.
     May maliit na lamok na lumilipad sa aking paningin. lamok na kumakaway at nakangiting nagpapakilala sa kanyang sarili. paikot ikot. nagmamasid. gusto atang makipagkaibigan. pakikipagkaibigan na walang intensyon makagawa ng masama sa iba. hindi alam kung anung kanyang gagawin. marahil busog at naghahanap lang ng pag sisiyestahan o gutom at naghahanap ng taong sisipsipan. mga maliliit ng bampirang lumilipad, kumukuha ng dugo at minsan hindi sinasadyang makapatay ng nilalang. lamok o mosquito(from spanish meaning little fly) sa ingles. 

Nagsisimula sa Itlog, Larva, Pupa at Imago. Nangingitlog sa mga Standing waters tulad ng lawa, kanal, mga tubig sa paso, o kahit sa mga plastic na lalagyan tulad ng mga timba. Nabubuhay ang mga ito ng apat hanggang walong linggo sa mundo. 

Mosquitoes have mouth parts that are adapted for piercing the skin of plants and animals. While males typically feed on nectar and plant juices, the female needs to obtain nutrients from a "blood meal" before she can produce eggs.



     Sila ang totoong bampirang naninirahan sa mundong ito ngayon. hindi man natin napapansin pero sila ang tunay na blood sucking species sa ating panahon. Ang mga bampirang ito ay mananatiling nakapaligid sa atin saan man tayo magpunta at hindi natin napapansin ang bagsik at taglay nilang kapangyarihan na pumatay at magbigay ng problema sa ating mga tao. Sa kahit anung oras at sa kahit saang lugar ay nananatili silang delikado, kaya huwag nating balewalain ang kanilang pagiging maliit dahil hindi mo alam na baka ikaw na pala ang kanilang susunod na biktima. malay mo. huwag mo ng hintayin na ikaw nalang ang ngitian nila at sabihan ng salamat.

Wednesday, August 24, 2011

Day 41.

Yung tipong ang bilis mong ma-miss yung mahal mo at nalulungkot ka dahil hindi mo siya laging nakakasama. #truelove

Sa bawat sinag ng araw, May taglay nag pagmamahal na nakalaan ang puso ko para sayo mahal ko.

KAYA ETO AKO, ASUSUAL NAMIMISS NA KITA. NAGBABAKASAKALING MAKASAMA KA SA BAWAT ORAS AT MAGPAKAILANMAN.

30,000 days of posts dito sa blogspot ang target ko. sana kayanin. :)

ALWAYS AND FOREVER BABY. 

Tuesday, August 23, 2011

Day 40.

40 Days na kami.

40 (forty) is the natural number following 39 and preceding 41.
Notwithstanding being related to the word "four" (4), 40 is spelled "forty", and not "fourty". The reason is that etymologically, the words have different vowels, "forty" containing a contraction in the same way that "fifty" contains a contraction of "five". The letters of the word "forty" are in alphabetical order; this is the only number that has this linguistic property in English. ---wikipedia

Happy 40 days Lorraine!!!!! I love you! Pagaling ka! 

Panahon ay lilipas din, Mga araw ay daraan. Ang mundo ay papanaw din ngunit hindi ang aking puso, Ngunit hindi ang pagibig ko sayo.

Monday, August 22, 2011

Day 39.

14 hours akong nasa school ngayong araw. 7 am hanggang 9 pm

Naglakad ng malayo.

Naghintay ng matagal.

Bumyahe pa quiapo para mag ChicBoy kahit ma polusyon at mainit.

Tumambay sa Gym para manood ng Opening ng Letramurals.

Nanood ng Laban ng Basket ball at Balibol kahit sobrang init sa grounds.

Nagbayad ng utang.

Namroroblema sa Thesis.

Muntik ng bumagsak sa exam sa Theo.

Walang kinain hanggang gabi. Fishball at turon lang

Walang ginawa sa SAP nagkantahan lang at nag playhelicopter.net

Masama ang pakiramdam.

Binaha pauwi. Trapik Super. Tiis sa sakit na nararamdaman.

Hinang hina. parang mamamatay na. Magkakasakit ata ako bukas.

Miss ko na si lorraine.





Pareho tayong malas ngayon dahil ikaw wala ka pa ding school na papasukan para sa guidance. Goodluck sa atin mahal ko! mahal na mahal kita! Natuwa naman ako dahil kahit problemado ka nakuha mo pa ding mag pout! HAHAHA. I LOVE YOU! Sorry ninakaw ko mga pics mo! :)




Dasal bago matulog.