Sunday, July 24, 2011

Day 10.

            Isa sa mga hindi maiiwasan kapag nasa bahay ka lang at linggo pa ay ang kumain. mahirap iwasan lalo na kapag wala kang ginawa kundi umupo, mag computer o manood ng tv. Kaya napakahirap talaga magpapayat kapag mataba ka na dahil madaming pagkaen ang hanap ng katawan mo. Buti nalang hindi ako mataba dahil macho ako. hahahaha. :)

          Ano bang meron sakin ngayong araw?linggo ngayon at hindi ako nakapagsimba. wala namang nangyari sakin bukod sa nagising ng alas dos ng hapon at buhay tamad na ang kasunod. Pero masaya namin dahil kahit papaano magkausap kami ng mahal ko at inlove pa din kami sa isat isa. Sa buhay ko ngayon, wala na kong hihilingin pa kundi ang dumating yung oras na maging stable na yung buhay ko kasama si Yeng. Pero hindi natin alam kung ano ang future natin, pero ako gusto ko na maging kami na habang buhay. at gagawin ko lahat para mangyari yun. 

             Miss ko na siya. Kahit kahapon lang eh magkasama naman kami. Ewan ko kung bakit pero yun yung nararamdaman ko. Miss ko na yung smile niya, yung kamay niya, yung hug niya, yung kiss niya lahat lahat na! Kung pwede lang piliin kung anong mapapanaginipan ko mamaya ang gusto ko ay ang makasama siya buong gabi at gigising ng nakangiti dahil sa kanya.

Dear Baby,
      

             LOVE LETTER


Love,
Yaj
            

            Uso pa ba ang love letter ngayon? parang hindi na dahil sobrang advance na ng technology natin. pero sana may mga high-tech na love letter pa din para mapakita pa din natin ang lumang style ng pagiging sweet ng mga tao para sa mahal nila. Malamang sasabihan ka ng katabi mo na baduy o jologs kapag gumagawa ka pa din nun ngayon. Pero siyempre masarap pa ding magpakajologs pagdating sa pagmamahal. Baduy nga pero walang katumbas na pagkakilig naman para sa minamahal mo. Ayaw mo pa nun? yun ang totoo.

No comments:

Post a Comment