Monday, July 25, 2011

Day 11.

         Namiss ko ng marinig ang linyang ito sa sasakyan tuwing umaga. Araw araw ko kasi naririnig to sa isang AM radyo bago pumasok nung pang umaga pa ko. 1st year college ata ako non. Napakabigat ng mensahe ng katagang ito kaya isa ito sa mga best quotes na hinding hindi ko malilimutan sa buhay ko.

        Ibinabanggit lang naman dito na sa buhay, hindi ka pwedeng laging aasa sa iba. Wala kang ibang dapat asahan kundi ang sarili mo. Nasa sayo pa din ang desisyon kung gusto mong umasenso sa buhay.

        PARANG SA VIDEONG ITO.
"Kailangan kumilos ka, gumalaw ka para meron kang mapuntahan."

           Ito ang katotohanan. Ito ang buhay na kailangang harapin. Maswerte ka kung hanggang ngayon eh nakukuha mo pa din lahat ng gusto mo sa buhay. Maswerte ka kung hanggang ngayon hindi mo pa din nararanasan ang buhay na hindi natitiis ng isang katulad mo. Magpasalamat ka nalang sa Diyos at hindi ka niya pinapabayaan. Lahat ng nangyayari sayo may dahilan.

             Siguro naman sa buhay mo naranasan mo ng magkamali o makagawa ng tama. Mahirap man o madali, wala kang magagawa kundi tanggapin ang realidad. Hindi mo man magustuhan ang mga nangyayari sa buhay mo, hindi ka man handa sa mga nangyayari sayo, wag ka na magtaka dahil kahit ikaw ang nagmamaneho ng buhay mo ito ang plano ng Diyos sayo. Tiwala lang sa sarili. Tiwala sa Diyos tulad ng walang katapusang pagtitiwala niya sa atin. lamat!

IMISSYOUBABY!


No comments:

Post a Comment