Friday, December 16, 2011

Day 155.

"PASKUHAN NA!!!!!!!!!!!!!!!"


Katagang hinding hindi malilimutan para sakin pati na rin sa mga kaibigan. Dahil magpapasko na anjan na ang iba't ibang kasiyahang natatanggap. Dahil sa pagbubunyi ng kaarawan ng ating pinakamamahal na si Hesus. At kapag ganitong pasko iba ang pakiramdam ko dahil sa mga natatanggap ko, sa mga nakikita ko, nangyayari sa paligid ko at sa kasiyahang ng bawat tao.

Naglalakihang mga christmas tree, makukulay at nakakaakit na christmas lights at mga parol, at iba't ibang christmas events tulad christmas party at reunions, Exchange gifts, regalo dito, regalo doon, shopping, Foodtrip at masasarap na pagkain na walang katapusan, Malamig na simoy ng hangin, Masasayang bondings, Inuman kasama ang barkada, Kantahan at sayawan, makukulit na bata, Mga ngiti at umaapaw kasiyahan ng mga tao sa paligid, Fireworks, Misa de Gallo, puto bumbong, bibingka, at iba pa. San ka pa? haha

Wala ng mas hihigit pa sa karanasang nakukuha nating lahat tuwing pasko, at sana hindi natin malimutang magpasalamat sa Diyos sa lahat ng natatanggap natin at nangyayari sa ating buhay. Dahil lahat tayo ay binigyan ng blessings para ingatan at pagpahalagahan. 

Ang Christmas ko ngayong taong 2011 ay sa tingin ko magiging maganda at makabuluhan naman dahil sa dami ng nakukuha ko ngayon. Sa aking mga pamilya, sa mga kaibigan, sa huling taon sa pagaaral, sa OJT, at kung saan saan pa. At syempre dahil na rin sa nag iisang babae ng buhay ko, ang pinakamamahal kong si Yeng

THANK YOU LORD!! HAPPY BIRTHDAY JESUS CHRIST! :)

No comments:

Post a Comment