Saturday, November 19, 2011

Day 128.


Ilang gabi na rin akong iyak ng iyak dahil sa sobrang miss ko sayo at sa mga bagay na nangyayari sa atin sa lumilipas na mga araw. Pasensya na pero hindi ko lang talaga mapigilan. 
Ilang araw ko na rin pinag-iisipan na puntahan ka na lang sa bahay nyo para makasama kita o makita man lang at hindi mo na iisipin ang gastos dahil ako naman ang pupunta dyan pero naisip ko rin na wala ka rin naman sa bahay nyo at wala naman akong maabutan dun. 
Lumilipas ang araw na hindi tayo nagkikita at nababawasan ang pag-uusapan dahil sa sobrang busy mo sa iba’t ibang bagay. Pag-aaral mo, paghahanap ng ojt at pagdodota. Pati pagdodota, kaagaw ko sayo. Pinipilit ko na lang din intindihin dahil wala naman akong laban sa mga yan. Simula pa naman noon, alam ko at tinanggap ko ng uunahin mo yan kesa sakin. Hindi ko alam kung kasama ba talaga na unahin mo ang paglalaro ng dota kesa sakin pero naiintindihan ko. Maraming bagay na dapat i-consider at mas reachable and paglalaro ng dota kesa sakin. Masakit para sakin na isipin yun at lalo pang maramdaman, pero kinakaya ko. Alam kong kaya ko kasi mahal kita. 
Napapadalas kang cold, busy, hindi nagrereply at hindi mo ko pinapansin pero umaasa kong lahat ng yun may maayos at makatwirang dahilan at hindi dahil may nagbago na. Nagpaalam pa lang ako sayo na may itatanong ako pero inunahan mo na ko ng sagot. Yung buong sinabi mo lang naman ang gusto kong marinig sayo. Sapat na sakin na malaman yun pero gusto ko ring maramdaman. Kailangan kong maramdaman. 
Nagsasawa na rin ako sa kakaiyak ko dahil wala rin naman ako kinapupuntahan. Inaabot lang ako ng madaling araw, napupuyat at nagkakasakit sa ginagawa ko pero yun lang ang nakakapagpaluwag sa pakiramdam ko. Alam kong hindi mo gusto na ganun ang nangyayari sakin dahil hindi naman yun nakakabuti at nadadagdagan lang ang sama ng loob ko pero yun lang talaga ang nagiging solusyon para maging maayos ako sa oras na yun at makatawid sa nararamdaman kong pagkamiss sayo. 
Hindi ko to sinulat para lang malaman mo na nahihirapan ako. Alam kong pati ikaw nahihirapan sa nangyayari. Sinulat ko ‘to para malaman mo na kahit gaano pa kahirap ang pagdaanan natin, hindi kita iiwan. Hindi ako susuko at mahal na mahal kita. 
Alam kong isa lang ‘to sa mga pagsubok na pagdadaan natin at hindi ako susuko. Hinding hindi ako susuko by. Alam mo yun. Miss na miss na kita. Mahal na mahal kita. 

- YENG

===================================================

Pampaantok. Tinamad ako bigla nung nakita ko ung effects. sobrang nakakatamad gawin un. hahaha. Galing!

No comments:

Post a Comment