Friday, November 5, 2010

Ehhh, Naulol??! Ajejeje.

 Eto pala yung sinasabi nilang Blogspot. mukha namang maganda. kaso sobrang bano ko hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat ng ito. para akong nursery ulet. naisipan kong gumawa nito kasi matagal ko ng pinapangarap na makagawa ng sarili kong mga storya o pelikula. ayos noh? totoo yon kaso nga lang naunahan ng iba't ibang gawain tulad ng DOTA!o Defense of the Acients. ubos talaga oras mo jan kahit buong araw kang maglaro. naunahan din ng pagbibisyo o pag lalakwatsa. halos hindi na umuwi dahil sa kakainom o kakatambay kasama ang barkada. Oo masaya nga yon pero minsan hindi mo ba naisip na gumawa ng ibang bagay na alam mong sasaya ka din? tulad ng pakikipagusap sa sarili hanggang sa mabaliw, matulog kahit hindi ka pa inaantok, makinig ng radyo habang nanunuod ng t.v., kumuha ng ice sa freezer tapos ilagay sa mainit na kape, tumambling ng paulit ulit hangga'ng sa dumugo ang ulo. HAHAHA. loko lang.

Habang tinitingnan ko ang site na to. Nauulol pa din ako sa ibang bagay. gusto kong matutunan kaso paano diba. ang alam ko lang dito eh yung mga basic na alam na natin kahit nung gradeschool pa tayo. tulad ng B for BOLD, I for Italic, U for Underline. eh alam mo naman ang mundo, habang tumatagal eh umuunlad at umaasenso. akalain mong may Strikethrough na pala. hahaha. eh baka pag tagal sigurado nyan ibat ibang design na lalabas nyan. hindi natin alam. ayos din tong blog na to kasi pwede mong palitan ang fontcolor, pati ang backgroundcolor ng text mo. ang paglalagay din ng LINK ay sobrang nakakatulong sa pag gawa ng mga ganitong klase ng kagawian. pwede ka ding maglagay ng picture! at video!! lagay mo picture mo hanggang sa magsawa ka sa mukha mo. haha
 
picture sample
30 minutes na ang nakakalipas.. wala pa din akong masulat dito sa maputing textbox na to. hindi ko alam kung mental block o sadyang hindi ko talaga alam kung anung isusulat ko dito. 

BLOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOG. 

Tangina nakakaulol naman to. sakit sa utak pero ayos kasi pwede mong ilabas ang iyong thoughts and feelings through this. pwede kang mag i love you sa mahal mo dito, magbasted sa manliligaw mo o magsabi ng mga bagay na hindi mo masabi sa personal. huwag mo lang gagamitin sa masama tulad ng pag babakstab o pakikipagaway. dahil isa kang "you're such a loser" kapag ginawa mo yon. OK? kbye.


so aun nga diba, kaya nga eh. tapos ayun din pero ewan ko lang baka sakaling magkaganun nga. di ko kasi sure kung ano eh basta kapag ganun un, malamang baka, diba? ewan ko lang ah. pero basta hindi natin alam eh. HAHAHA. tae wala nakong masabi. sorry noobs po. sa susunod nalang ulet. gawa ako. HAHAHA. kapa kapa lang muna ngayon. orayt! break it down.

No comments:

Post a Comment