Ehh yung may after shock yung happiness natin? :”>
Sobrang saya ko lang talaga nung sinabi mong magkikita tayo ulit. Shempre, lagi naman akong masaya kapag magkasama tayo e. Kahit ilang oras ka pa lang nun na nahiwalay sakin, eh gusto na kitang makita ulit. Gusto na kitang makasama ulit, mayakap at mahalikan. :* :)
Enjoy na enjoy ko lang yung panunuod ng TV habang katabi ka. Yung tipong, wala lang. Magkatabi tayo at relax lang habang ang takaw mong kinakain yung Hopia. Gusto ko ng mas madami pang ganung moments. Cuddle time!! >:D<
Promise babe, hindi ko talaga sinasadya na maputol ko yung gift certificate ng Jollibee. Wala na ngang pera, nanira pa ko. Hahaha. LOLOL. Hindi ko talaga sadya. Si manong driver kasi e. :( Atleast, okay pa din at nagamit pa din natin. :) Yey! Enjoy talaga ko kapag sa Jollibee tayo kumakain. Yung feeling ko na kumakain ako sa favorite kong food chain kasama ang pinakapaborito kong tao sa mundo. Alam mo yun? Ako, alam ko. :)) Kaya lang pag-uwi ko, sumakit na naman yung tyan ko. May di na yata magandang epekto ang pagkain sa Jollibee Tayuman. Hahaha. Aaaaatt ang lakas mo talaga kumain. Close talaga kayo ng extra rice!
Sobrang natutuwa na din ako kapag nagppicture tayo. Haha. At napakamahiyain mo! Ayaw mo pang magpicture sa Jollibee. Hahaha. Kung di pa pipilitin e. Okay lang yun by. Para ka lang nun nagpapicture sa artista na nakita mo sa Jollibee. *EHEM!* HAHAAHA. May naisip ako, magpicture tayo sa tuwing magkasama tayo. Para may remembrance! :) Please? Okay. Good. :)
Tawang tawa ko pagkakita nung picture naten na yan. Ang haggard ko. Iddelete ko sana kaya lang ang saya mo dyan e. Tignan mo! :) Lalo na dun sa una. Para ka talagang nagpapaicture sa haggard na artista. HAHAHHAHAHAHHAHAH. *Last ko na yun!*
Anddd. Sorry babe. Alam mo na yun. Nagdrama pa ko nung gabi e. Eh Basta, alam mo na yun. Nasabi ko naman sayo e. Nakakahiya talaga. Pero kasi. Basta.
Ayun. Basta, masayang masaya ko sa tuwing kasama kita. Kahit pa masungit ka at umiirap ka pa. Mahal na mahal kita!!!!! :* :* :*
The Lord did not want us to doubt, to fear or to worry. He wants us to believe, to hope, to love and to see life the way He made it.
From this day forward, I’ll promise to live my life the way it should be. Welcome each morning with a smile. End each night with a prayer. Laugh as much as I can. Love as much as I should. I’ll stop crying and end the loneliness. Open the gates of Happiness. Feel every breath that I take. Avoid worries and sadness. Smile like there’s no tomorrow.
Though we’re far apart in terms of distance, my love for you will never end. I’ll wait till the time that we’ll be together again. Holding each other hands. Gazing at each other’s eyes. Feel the warmth of hugs and kisses. I can’t wait to e with you again. I love you.
Salamat sa isang hindi malilimutang araw kasama ka. Salamat sa pastillas. sa Jollibee! Sa yakap, halik, lambing at kasiyahang binigay mo. sorry kung medyo tipid mode. thug life si yaj eh. hahaha. basta alam mo na yun! mahal na mahal kita. :)
======================
Eto background music ko habang ginagawa ko tong blog na to. emo lang. :)
“Love is patient, love is kind. It does not envy, it does
not boast, it is not proud. It is not rude, it is not self-seeking, it is not
easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but
rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always
perseveres. Love never fails.” -1 Corinthians 13:4–8a
Ang bilis ng panahon. Tatlong buwan na pala tayo, o
siyamnapu't dalawang araw para eksakto. Parang kahapon lang, hindi pa kita
kilala. Parang kahapon lang nakakausap lang kita bilang kaibigan at walang anu
mang koneksyon tungkol sa tinatawag nilang pagibig. Walang pagmamahal na
katumbas, Walang nararamdamang kakaiba o pagkagusto, kaibigan lang. Tinitingnan
ko lang ang mga pictures mo noon. Sinasabi ko sa aking sarili na swerte naman
ng magiging asawa nito, hindi lang dahil sa maganda at matalino ka, dahil na
din sa kabaitan, sa paniniwala mo sa Diyos at mabuting asal na meron ka. Kaya
hindi nag tagal nahulog na ako sayo. Laking pasasalamat ko nalang kay God kasi
binigyan niya ako ng pagkakataon na mahalin ka at maging kabiyak.
Ngayong akin ka na ng tatlong buwan, wala akong iniisip na
pagsisisi o kakulangan simula nung sagutin mo ko. Alam kong hindi ako
nagkamaling piliin na ikaw ang mahalin dahil iba ka sa mga babaeng nakasama ko
o kakilala ko. Ikaw yung spark na kailangan ko. Ikaw ang palaman sa tinapay,
tinta sa ballpen, daliri sa mga kamay, ngiti sa mukha, yakap sa taglamig. Hehe.
Basta ikaw yung bubuo sa puso kong naghahangad ng tunay na pagmamahal. Iniisip ko
ngayon na hindi ko na dapat sayangin ang pagkakataon na anjan ka na, na ikaw na
nga. Yung pang seryosohan, pangkasalan at panghabang buhay na hinahanap ko. Yung
taong gusto kong makasama at makapiling habang buhay. Yung mapapangasawa ko at
magiging ina ng mga anak ko.
Kung bibigyan lang ako ng pagkakataon humiling ng kahit ano,
ang hihilingin ko lang naman ay ang maging makabuluhan at worth it ang buhay ko
kasama ka. Gusto ko lahat ng pangarap ko matutupad kasama ka, Gusto ko ikaw ang
magiging sandalan ko kapag nalulungkot ako, Gusto ko ikaw ang magiging guro ko
sa mga oras na nagkakamali ako, Gusto ko ikaw ang kasama ko hanggang sa kabilang
buhay at kung mabubuhay ulit ako, gusto ko ikaw pa din ang mamahalin ko. Sa lahat
ng experience ko at mga natanggap kong aral sa buhay, kuntento na ko sa mga
iyon. Kuntento na ko sa mga binigay sakin ni Lord dahil para sakin halos nakukuha
ko naman ung kasiyahan na dapat makuha ng lahat ng tao. Sa pamilya at mahal ko sa buhay na binigay niya at sa madaming madaming kaibigan na ipinakilala niya. Sobra na yun. Hindi man makakuha ng
matataas na grades o magandang trabaho, alam kong hinding hindi ako pababayaan
ni Lord dahil siya ang may plano ng lahat ng ito. Kaya baby huwag na huwag
nating aalisin ang tiwala natin sa kanya dahil siya ang ka love triangle natin.
Magaway man tayo o magtampuhan sa kanya tayo lumapit dahil anjan siya para magbigay
ng aral at mabuting desisyon para maging okay tayo ulit. Mahal na mahal niya
tayo at hinding hindi pababayaan. till death do us part.
MAHAL NA MAHAL KITA SA
LAHAT NG ORAS AT MAGPAKAILANMAN!