Isang masayang nakakakilig na araw para sa akin.
umaga.bangungot.malungkot.natatakot.
natatakot na mawala siya dahil sa panaginip ko nangiwan siya.
masaya pag gising dahil sinabing hindi siya mawawala, hanggang panaginip nalang sana.
Nakakamiss lang ang paramore.
Gising. Isang malaking mangkok ng Champorado. Gatas. Asukal. Ligo. Nag iisip ng dadalhin. Nagmamadali. Excited sa muling pagkikita naming dalawa. Showtime Monthly finals. Parang Finals na. Gagaling nila. Hindi na tinapos. Nagiisip. Napamura. May nstp pa nga pala. Badtrip. Pasok. Late. 1:30 na. Naiwan yung ibang dadalhin. Natanga. Kakatamad pumasok. Umupo. Nagsulat sa halos back to back na bond paper. Tungkol sa Leadership. Leader. Democratic at Authoritative leadership. Ayun 30 mins break. Kaen muna tanghalian. Sakto may tocino sa La Cantina. SOLB! Halos tatlong oras nakaupo sa silid aralan at naghihintay mag alas kwatro. Idlip muna. Fast forward. Alas kwatro na. Gising na gising dahil uwian na. Tinext ko na siya. Magkikita na kami. Punta Central station. Sakay larti. Baba Tayuman. Hintay sa Jollibee. Nakita ko na siya ulit! Nabuhay ang puso ko. Namiss ko tong taong to. Siya lang ang nakikita kong tao sa paligid. mahal na mahal ko siya. hintay taxi. san ba pupunta? plano. Fireworks! sa MOA. Nood muna septic tank. Nasa MOA na. Bili Ticket. 5:30 na. 6:00 yung start. Sakto. Pila. 5:45 nakapasok na. Pwesto sa magandang spot. Sarap umupo sa tabi niya. Sana habang buhay nalang ganun. Trailers. Ayan na. Septic Tank. Comedy. Nakakatawa yung gumanap na Director na jetlag galing italy. Ang galing sa grammar at expresso. HAHA. Eugene Domingo. Lupit sobra. Benta yung palabas na yun. Buti nalang nilabas sa sinehan. 7:00 na. Fireworks na. Nanonood pa kami. No choice, Naririnig lang namin sa labas yung putok ng fireworks habang pinapanood ang Babae Septic Tank.Mga I love you, Hug at Kiss ni Yeng. Wala ng hihigit pa don. Tapos na Palabas. Labas. Sakit ng tiyan ko. Dahil ata sa Tocino na ginugunting sa school. Tiis nalang kesa masira ang pagkikita namin ni yeng. Lakad lakad. Plano ulit. Tawid. Punta sa may SeaSide. Ang daming pagpipilian. Lakad lakad. Seafood dito. Seafood doon. Napakain sa isang Seafood Restaurant. Mahal ng paluto. Ala carte nalang. Buttered Shrimp. SARAP. Yosi muna. No Bisyo Day nga paa ngayon. Sorry baby! Nawala sakit ng tiyan ko sa busog. Ang tipid ni baby magkanin. Hindi Inubos. Salamat sa Pagbabalat ng Hipon. Bayad. Lakad Lakad. Inaantok sa kabusugan. Uwi na. Mag 9 PM na pala. Sakay taxi. Hanggang Tayuman. Hindi matumbasang yakap. Nasa tondo na pala kami. Baba na. Lakad papunta sa kanila. Kapagod. Pagdating sa kanila kumpleto ang pamilya. May Tito at Tita pa. Hello lang. Alis na ulit. Nagmamadali. Sana Abutan ang Larti 1. Sakay pedicab. Sakay Jeep. Hanap CR. Punta Tayuman Station. Bukas pa pero yung may ticket nalang tinatanggap. Baog. Baba. Sakay Jeep. Umuulan ng Malakas. Badtrip ulit. Baba ng Recto. Sana bukas pa ang Larti 2. Sa Entrance. May guard. Kaso sinasara na yung Automatic Gate. Baog part 2. Abang Jeep. Nasakyan papuntang San Juan. Mali. Baba. Abang jeep. Sakay papuntang Cubao. Okay na. Relax na. Ang lakas pa din ng Ulan. Wala akong payong. Mabuti nalang at hindi naabutan ng ulan nung magkasama pa kami ni yeng dahil wala kaming payong. Nasa Cubao na. Baba. Abang Shuttle. Sakto meron. Last 1. Ako nalang hinihintay. Paalis na. Ang lakas ng Ulan. Trapik sa Aurora Blvd. Inantok sa Pagod. 2 hours ng bumabyahe. 10:30 na. Nakaidlip ata ako ng 20-30 mins. Baba ng Parang. Fortune. Ang lakas pa din ng Ulan. Takbo hanggang Tricycle Station. Sakay. Modesta po kuya. Everlasting Street. Sakay. Biyahe na. Lakas pa din ng Ulan. Hanggang dito sa amin sinundan ako. Bahay na. Sa wakas nakauwi din. Solve ang Pagod. 11:00. Thank you Lord sa Araw na ito. Sana napasaya ko yung mahal kong si Yeng.
Namimiss ko na siya agad. Hay. Tiis Tiis muna ulit.
Balik sa Realidad.
MAHAL NA MAHAL KITA YENG VILLAVICENCIO.