Sunday, July 17, 2011

KAMI NA! ni Lorraine Dela Rosa Villavicencio


NAPA BLOG TULOY NG DE-ORAS.
Matapos ang napakadaming disukusyon, pagtatalo, pagkalungkot, tuwa at kilig. July 18 na ngayon, July 17 knina nung nalaman ko na kami na. Pero nung 14 pa pala niya ko sinagot. hahaha. imba lang kasi hindi ko alam na sinagot na pala niya ko non. nung July 14 tinanong niya ko sa twitter.
Napaisip ako kung san nanggaling yung tanong na yun. tinanong ko siya, sabi ko. anung klaseng multiple choice yan walang tanong? Eh sinindak ako sumagot daw ako. Napaisip ako kung anung meron sa letter A, B at C. Syempre dahil Baby ang tawag ko sa kanya at Baladjay ang apelyido ko, letter B ang unang pumasok sa isip ko. Naisip ko din na baka A yung tamang sagot kasi kapag letter A parang number 1 yung meaning, eh syempre siya lang naman number 1 sa puso ko kaya pwedeng yun nga yung sagot. yung letter C naman hindi ko na inisip na piliin dahil hindi ko naman gusto yung letter na yun at wala kong maisip na dahilan para piliin ko yung C. nag desisyon na ko. pinili ko yung letter B. yun yung mas angat sa lahat eh. sabi ko sa kanya letter B. yung sagot ko. Nagreply na siya. Mali daw yung sagot ko. hahahaha. A pala ang tamang sagot. tinanong ko kung para saan, A = Yes, B = No, C = Not now. yun pala ibig sabihin nung mga yun. Napaisip ako kung para saan yung Yes, No at Not Now na yun. Dahil nililigawan ko siya unang pumasok sa isip ko na baka hindi ako sagutin dahil No ang pinili ko. Nalungkot talaga ko non, hindi ako sumaya nung gabing yun dahil doon. 
Yang mga linyang yan na pala yung magsasabi na sinasagot na niya ko.haha. Hindi ko na naisip yun kasi malungkot na ko nung mga oras na yun. Malungkot lang. lol. 

"May 26 2011 - July 14 2011"
Yan yung date ng panliligaw ko, hindi ganun katagal pero madami na kong na experience. madami na kong nalaman sa kanya at madami na din akong nagampanan. Yung feeling na parang kayo na ng isang taon. Madami na siyang naiparamdam at naipakita ng pagmamahal niya sa akin. madami na din siyang nasabi na ikinatuwa ko at sa ganung paraan nararamdaman ko na mahal niya ko, kahit na hindi kami masyadong nagkikita dahil busy siya kakaturo sa mga estudyante niya sa arellano at pumapasok din naman ako sa school dahil isa kong masipag na mag-aaral. haha 

Sa oras na ito, wala na kong ibang gustong gawin kundi mahalin siya at pasayahin. Gusto kong magpasalamat kay Lord dahil binigyan niya ko ng chance mahalin ang isang katulad ni yeng. Sobrang lungkot ko maghapon pero ngayon sobrang saya ko kapag naiisip kong kami na nga talaga. Mini heart attack nung nalaman kong kami na. Sarap sa pakiramdam. Unti unti ng natutupad ang mga wish ko sa buhay. :)

Magyayabang lang. hahahaha

"Always and Forever."

I LOVE YOU YENG!


No comments:

Post a Comment