Friday, November 5, 2010

Bampira.

     May maliit na lamok na lumilipad sa aking paningin. lamok na kumakaway at nakangiting nagpapakilala sa kanyang sarili. paikot ikot. nagmamasid. gusto atang makipagkaibigan. pakikipagkaibigan na walang intensyon makagawa ng masama sa iba. hindi alam kung anung kanyang gagawin. marahil busog at naghahanap lang ng pag sisiyestahan o gutom at naghahanap ng taong sisipsipan. mga maliliit ng bampirang lumilipad, kumukuha ng dugo at minsan hindi sinasadyang makapatay ng nilalang. lamok o mosquito(from spanish meaning little fly) sa ingles. 

Nagsisimula sa Itlog, Larva, Pupa at Imago. Nangingitlog sa mga Standing waters tulad ng lawa, kanal, mga tubig sa paso, o kahit sa mga plastic na lalagyan tulad ng mga timba. Nabubuhay ang mga ito ng apat hanggang walong linggo sa mundo. 

Mosquitoes have mouth parts that are adapted for piercing the skin of plants and animals. While males typically feed on nectar and plant juices, the female needs to obtain nutrients from a "blood meal" before she can produce eggs.



     Sila ang totoong bampirang naninirahan sa mundong ito ngayon. hindi man natin napapansin pero sila ang tunay na blood sucking species sa ating panahon. Ang mga bampirang ito ay mananatiling nakapaligid sa atin saan man tayo magpunta at hindi natin napapansin ang bagsik at taglay nilang kapangyarihan na pumatay at magbigay ng problema sa ating mga tao. Sa kahit anung oras at sa kahit saang lugar ay nananatili silang delikado, kaya huwag nating balewalain ang kanilang pagiging maliit dahil hindi mo alam na baka ikaw na pala ang kanilang susunod na biktima. malay mo. huwag mo ng hintayin na ikaw nalang ang ngitian nila at sabihan ng salamat.

1 comment: