Saturday, November 19, 2011

Day 128.


Ilang gabi na rin akong iyak ng iyak dahil sa sobrang miss ko sayo at sa mga bagay na nangyayari sa atin sa lumilipas na mga araw. Pasensya na pero hindi ko lang talaga mapigilan. 
Ilang araw ko na rin pinag-iisipan na puntahan ka na lang sa bahay nyo para makasama kita o makita man lang at hindi mo na iisipin ang gastos dahil ako naman ang pupunta dyan pero naisip ko rin na wala ka rin naman sa bahay nyo at wala naman akong maabutan dun. 
Lumilipas ang araw na hindi tayo nagkikita at nababawasan ang pag-uusapan dahil sa sobrang busy mo sa iba’t ibang bagay. Pag-aaral mo, paghahanap ng ojt at pagdodota. Pati pagdodota, kaagaw ko sayo. Pinipilit ko na lang din intindihin dahil wala naman akong laban sa mga yan. Simula pa naman noon, alam ko at tinanggap ko ng uunahin mo yan kesa sakin. Hindi ko alam kung kasama ba talaga na unahin mo ang paglalaro ng dota kesa sakin pero naiintindihan ko. Maraming bagay na dapat i-consider at mas reachable and paglalaro ng dota kesa sakin. Masakit para sakin na isipin yun at lalo pang maramdaman, pero kinakaya ko. Alam kong kaya ko kasi mahal kita. 
Napapadalas kang cold, busy, hindi nagrereply at hindi mo ko pinapansin pero umaasa kong lahat ng yun may maayos at makatwirang dahilan at hindi dahil may nagbago na. Nagpaalam pa lang ako sayo na may itatanong ako pero inunahan mo na ko ng sagot. Yung buong sinabi mo lang naman ang gusto kong marinig sayo. Sapat na sakin na malaman yun pero gusto ko ring maramdaman. Kailangan kong maramdaman. 
Nagsasawa na rin ako sa kakaiyak ko dahil wala rin naman ako kinapupuntahan. Inaabot lang ako ng madaling araw, napupuyat at nagkakasakit sa ginagawa ko pero yun lang ang nakakapagpaluwag sa pakiramdam ko. Alam kong hindi mo gusto na ganun ang nangyayari sakin dahil hindi naman yun nakakabuti at nadadagdagan lang ang sama ng loob ko pero yun lang talaga ang nagiging solusyon para maging maayos ako sa oras na yun at makatawid sa nararamdaman kong pagkamiss sayo. 
Hindi ko to sinulat para lang malaman mo na nahihirapan ako. Alam kong pati ikaw nahihirapan sa nangyayari. Sinulat ko ‘to para malaman mo na kahit gaano pa kahirap ang pagdaanan natin, hindi kita iiwan. Hindi ako susuko at mahal na mahal kita. 
Alam kong isa lang ‘to sa mga pagsubok na pagdadaan natin at hindi ako susuko. Hinding hindi ako susuko by. Alam mo yun. Miss na miss na kita. Mahal na mahal kita. 

- YENG

===================================================

Pampaantok. Tinamad ako bigla nung nakita ko ung effects. sobrang nakakatamad gawin un. hahaha. Galing!

Friday, November 18, 2011

Day 127.

Dear Yeng,


      Miss na miss na kita! Gusto na kitang makita at makasamang muli, okay na ko kung araw araw ikaw lang ang nakikita ko at nakakasama ko kaharap ang mundo. Mahal na mahal kita!! 



                                                                                                                                  ♥ YAJ

Day 126.


SANA NGA EH. SANA NGA BABY.

Wednesday, November 16, 2011

Tuesday, November 15, 2011

Day 124.


Halo-HaloSa sobrang init nung summer, halos araw-araw akong kumakain ng halo-halo. Hindi ko naman talaga trip kumain ng halo-halo dahil may ibang sangkap yun na hindi ko naman kinakain pero dahil nga yata sa sobrang init, nagustuhan ko na ang pag kain nun. Sabi ko nga nun, I just fell in love with the thought that eating halo-halo makes me feel happy. Ewan ko din kung bakit ko nasabi yun. One time nasa SM San Lazaro kami ng Mama ko, halo-halo ang kinain ko at gamit ang wifi ng SM, nagtweet ako na yung susunod na manlilibre sakin ng halo-halo e mamahalin ko talaga.
Nagreply nun sa tweet ko si Yaj. Hindi ko pa sya boyfriend nun and friends lang kami at all. Ililibre nya daw ako ng halo-halo. Natawa na lang ako nun at kinilig. Hindi ko naisip yung sinabi ko, ang naisip ko masarap kumain ng halo-halo at masaya siguro kung sya ang makakasama kong kumain nun.
Simula nun, wala ngang nanlilibre sakin ng halo-halo. Kapag kumakain ako ng halo-halo, lagi ako yung bumibili dahil walang gustong manlibre sakin kahit pa pilitin ko sila. Halo-halo sa chowking lang ang gusto ko.
Last month yta yun, hindi ko sure. Nasa MoA kame ni Yaj. Sa chowking kami kumain. Pagbalik nya sa table namin, walang halo-halo pero pinag-usapan naming oorder sya. Hindi ko na sinabi, hindi ko pinansin, hindi ko pinaalala, hinintay ko nalang yung mangyayari dahil naiisip ko nga yung sinabi ko nun. Sya na din ang nagsabi na dapat nga daw ay may halo-halo. Napangiti na lang ako.
Sya ng sumunod na nanlibre sakin ng halo-halo at talaga nga minahal at hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin. :)


---- REBLOG FROM YENG

Kinilig lang naman ako at medyo nalungkot nung nabasa ko ito. Hindi ko akalain na ganun pala ang storya sa halo halo. Haiii. Miss na miss ko na si yeng.Sana may magdala sakin sa tabi niya o kahit dalhin nalang siya sakin para makita at makasama ulit. Miss na Miss na kita!! Mahal na mahal kita baby.



Monday, November 14, 2011

Day 123.

Alam ko madami na tayong mga bagay na nalampasan, mga bagay na pinag-awayan, pinagkabatian, iniyakan, mas maraming bagay na tinawanan, mga lugar na napuntahan, pagkain na pinagsaluhan, mga gabing ginugol sa pagtulog, pagpupuyat, pagkukulitan, pag-aasaran at kwentong walang katapusan.

Kahit pa may mga pagkakataon na pinaghihintay mo ko, pinag aalala, pinapaiyak, hindi sinasadya/sinasadyang masaktan.

At sa lahat ng pagkakataon na magkasama tayo, sa mga sandaling naging parte na at tinatak na sa ating buhay, gusto ko lang malaman mo, na hanggang sa oras na 'to, buong puso ko pa ding sasabihin sayo, Mahal na mahal kita at masaya ako sa piling mo.


-yeng


Thank you baby!!! :) Mahal na mahal kita! Namimiss na kita!

Sunday, November 13, 2011

Day 122.

Ipag yayabang ko nalang ulet. hahaha. wala eh. hanggang yabang nalang kaya kong gawin eh. :))

=================================================

I miss you baby!!!!!
Etong dalawang to ang major objectives ko sayo. :)

HAPPY 4TH MONTH BABY!!! I LOVE YOU!!!