“Gising na!!!!!!!” pang limang sigaw na ng ina ni Nelson sa kanya. “Babangon na po” mahinang sigaw ni Nelson habang nakapikit at tila nananaginip pa. Si Nelson ang nagiisang anak ni Imelda na isang Labandera sa kanilang lugar sa purok tres. Si Nelson ay lumaki na walang ama at kailan man ay hindi niya na ito nakita kahit sa larawan. Ang paulit ulit na sagot ng kanyang ina kapag tinatanong niya kung asan ang kanyang ama ay namayapa na pero ang totoo ay iniwan siya nung nalaman na siya ay nagdadalang tao noong sila ay magkasintahan pa.
Si Nelson ay pitong taon na pero hindi pa din siya pinagaaral ng kanyang ina na si Imelda dahil sa kakulangan sa pang araw araw na gastusin nila at dahil na rin sa patuloy na pagsusugal at paglalakwatsa. Simple lang ang pamumuhay nila. Nakakakaen minsan ng tatlong beses sa isang araw pero madalas naman ay dalawang beses lang at tinipid pa ang ulam para sa susunod na araw. “Nay, gusto ko na po magaral.” Paawang sabi ni Nelson habang naghuhugas ng plato si Imelda. “Kung mayaman lang tayo kahit limang eskwelahan pa pasukan mo anak. Huwag ka mag alala kapag nakakuha ako ng magandang trabaho pag aaralin na kita.” Sagot ni Imelda. “Pero nay, may trabaho naman kayo ah. Bingo kasi kayo ng Bingo eh.” Sagot ng nagmamakaawang si Nelson. “Yun lang naman kasi ang libangan ko, tsaka kapag nanalo naman ako, pinambibili ko din naman ng kailangan natin dito sa bahay.” Wika ng ina.
Hapon na at naisipan ni Nelson lumabas ng bahay para maglibang. “Nelsoooooooon!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” Sigaw ng matalik na kaibigan niyang si Balong. ang anim na taong gulang na mataba, makulit at bibong kalaro ni Nelson sa tuwing siya ay lumalabas ng bahay. “Nelson sama ka sakin!” Masaya at eksayted na pagkakasabi ni balong sa kanya. “San tayo pupunta?” tanong ni Nelson. “Basta maghahanap tayo ng gagamba sa talahiban sa may daang-bakal. Tara!” wika ni balong. Walang isip isip at dali daling sumama si Nelson kay balong sa bukid para mag libang at maghanap ng gagamba. Bago makadating sa bukid, nakasalubong ng dalawang bata si Greg, Sampung taong gulang at ang dakilang bully sa kanilang lugar. Siga dahil ang tatay niya ay pulis at ang nanay naman ay isang kagawad sa barangay. “Anong ginagawa niyo dito sa teritoryo ko?” pasindak na sabi ni greg. “pupunta lang kami sa bukid para mag hanap ng gagamba, greg.” Sagot ni Nelson. “Aba, at naisipan niyo pang pumunta sa bukid. Hindi nyo ba alam na ang mga batang pumupunta doon sa ganitong oras ay hindi na nakakabalik ng buhay?” nananakot na sabi ni Greg. “Hindi totoo yan!” sabi ni balong. “Sasagot ka pang baboy ka! Paputukin ko tiyan mo eh!” pabirong banat ni greg. “Sige pumunta kayo ngayon doon, kapag kayo ay nakabalik dito ng Alas siyete ng gabi, gagawin ko kayong kanang kamay at magiging kasapi sa aking grupo.” Sabi ni greg. “Yun lang pala eh!” sagot ng matapang na si balong.
Nagsimula ng maglakad ang dalawa patungo sa bukid ng makita sila ni Karen, ang nakababatang kapatid ni Greg. “Saan kayo pupunta?” masayang bati ni karen. “pupunta kami sa talahiban para maghanap ng gagamba” sagot ni Nelson. “Naku! Wag kayong pupunta doon! Alam niyo bang madami ng bata ang hindi na nakabalik dahil sa pagpunta doon. May Taong ahas daw na kumakain sa mga bata at hindi na nakikita pang muli sa lugar na yoon.” Takot na sabi ni karen. “Wala namang taong ahas eh. Sa mga napapanood lang na palabas yung mga ganung klase ng hayop.” Sabi ni balong. “Pero sabi ng tatay at nanay ko, totoo daw yun.” Pahabol ni karen. “Wala naman kaming nababalitaan na ganun eh, kaya baka tinatakot ka lang ng mga magulang mo.” Wika naman ni Nelson. “O siya mauuna na kami ah! Mag gagabi na kasi eh. Baka hindi na kami makahanap ng gagamba dun.” Nagmamadaling hirit ni balong. “Nelson! Dalhin mo tong kwintas na ito, bigay sakin ito ng lola ko noong nabubuhay pa siya. Sabi niya na huwag ko daw ipapakita kahit kanino ito pero ibibigay ko na ito sayo. makakatulong daw ito para mapatay ang taong ahas. Hindi ko alam kung paano pero basta isuot mo.” wika ni karen. Hinatak na ni balong si Nelson at nagmamadali ng pumunta sa bukid para maghanap ng gagamba.
Naisip ni Nelson na baka totoo ngang may taong ahas dahil sa mga sinabi ni karen sa kanya. Sinuot niya ang kwintas at sinabi sa sarili na huwag matakot at kabahan. Pinasok na ng dalawa ang matataas na talahib ng bukid na tila wala ng balak putulin. “Kukuha ako ng madaming madaming gagamba!” hirit ng masayang si balong. “tapos ibebenta natin sa iba para magkapera tayo!” pahabol niya. Tahimik na naglalakad si Nelson at napapaisip pa din kung totoo nga bang may taong ahas na pumapatay sa mga bata sa bukid na yoon. “balong, paano nga kung totoong may taong ahas?” tanong ni Nelson. “Eh di tatakbo tayo! hindi tayo mahahabol nun dahil mas mabilis tayo sa kanya. Tatawanan lang natin siya. Hahahaha! Ayun gagamba!!” hirit ni balong.
Madami dami na ding nahuhuling gagamba ang dalawa at halos nasa gitna na din sila ng mtataas ng talahib ng bukid nang bigla silang may narinig na kaluskos sa di kalayuan. “Balong, narinig mo yon?” tanong ni Nelson. Tinanggi nalang ni balong ang narinig na kaluskos para hindi matakot ang kaibigang si Nelson pati na din ang sarili. Sumapit ang dilim at naisipan na ng dalawa na umuwi dahil wala na silang makita kung hindi ang liwanag galing sa buwan. “Ang dami nito Nelson!! Yahoo!” masayang hirit ni balong. “Oo nga eh. Dami nating pera jan!” sagot naman ni Nelson. Habang naglalakad pabalik ang dalawa ay narinig ulit nila ang kaluskos na narinig nila kanina. Sa pagkakataong ito, mas malapit at mas malakas na ang kaluskos na kanilang narinig kumpara sa unang pagkakataon. Agad agad na hinawakan ni nelson ang kamay ni balong at bumulong “Wag kang gagalaw.” Nagsimula na ding kabahan ang matabang si balong dahil sa narinig at pinilit niyang hindi kumilos at magsalita. Maya maya lang ay nawala na ang kaluskos na kanilang naririnig at naisipan na nilang maglakad. “Takbo na kaya tayo?” pabulong na sabi ni balong. “Sa tingin mo ba kapag tumakbo tayo hindi niya tayo mahahabol? Mabilis ang mga ahas at hindi mo alam kung gaano siya kalaki. Baka kaya niya tayong lamunin ng sabay.” Wika ni Nelson. “eh anung gagawin natin?” takot na bulong nang nanginginig at pinagpapawisang si balong. “Maglakad nalang tayo ng dahan dahan hanggang sa makarating tayo sa atin. Huwag kang magsasalita ng malakas at huwag kang gagawa ng kahit anung ingay na pwedeng magbigay ng kapahamakan sa atin.” Sabi ng nagiingat na kaibigan.
Ilang sandali lamang ay muli nilang narinig ang kaluskos. Naririnig din nila ang tunog na “tssssssssss” na magsasabing ahas nga ang kanilang naririnig. Maluha luha na at hindi na napigilan ni balong ang takot kaya bigla siyang napasigaw. “Huwag mo po kaming papatayin! Sa inyo na po itong mga gagamba namin, huwag niyo lang po kaming kakainin!” napaisip naman ang batang si Nelson at pinilit niyang hawakan ng mahigpit ang kwintas na bigay sa kanya ni karen. Hindi na halos makagalaw ang dalawang bata sa takot at tuluyan na ding naiyak si balong. “Anu bang kailangan mo!?” pasigaw na sabi ni Nelson. Walang kahit anung tunog na narinig ang dalawang bata at tila nawala na yung taong ahas na kanina ay parang lumalapit na sa kanila. Nagsimula na ulit maglakad ang dalawa ng dahan dahan ng biglang.. To be continued.
hehe. hirap mag isip ng ending eh. kaya sa susunod na yon. :)