Minsan nakakagulat lang at nakakatindig ng balahibo ang mga bagay na marerealize mo nalang at matututunan bigla pagkatapos ng isang pagkakamali.
Naniniwala rin ako sa sign. Makakatulong din ito sa pagbabago ng buhay mo.
Lalo na kung bigla mo nalang maiisip na "oo nga noh. sana hindi ko nalang ginawa yun."
"Sana nakinig nalang ako sa pamilya ko."
Minsan ang sarili mo nalang din talaga ang nagiging kalaban mo sa buhay eh.
Ang sarili mo ang humahatak sayo para gawin ang mga bagay na hindi naman dapat gawin.
Minsan pakinggan mo din ang sinasabi ng mga taong mahahalaga sayo dahil sila ang mas nakakakilala at totoong nagbibigay ng importansya sayo.
Binigay sila ni God sayo para maging gabay sa tamang landas kaya hindi dapat binabalewala at sinusuway. at malaking respeto sa pagpapahalaga nila sa atin.
Ang ating mga magulang. para sa akin wala ng mas hihigit pa sa pagmamahal na kayang ibigay ng ating mga magulang para sa atin. Matatanda na sila at madami ng nararanasan sa buhay. Mas alam nila kung ano ang dapat sa hindi kaya minsan kailangan talaga nating makinig sa kanila hindi lang para matuto, para din malaman ang halaga ng buhay.
Ang pagsisisi nasa huli talaga, pero ikaw ang bahala kung gusto mo magbago o balewalain nalang yun. kumbaga nakatapak ka na ng tae, wala ka ng magagawa kundi alisin ito o hayaan nalang mawala.
Sa mga nararanasan ko sa buhay, madami na kong natututunan. Sobra. salamat kay God at binibigyan niya ko ng pagkakataon maranasan at makuha ang mga bagay na masasabi kong pinaka the best na bagay na makukuha mo sa mundo.
Ang pagmamahal at pagpapatawad ni God sa atin/akin.
Ang pagmamahal at walang sawang suporta ng mga Magulang at Kapamilya sa atin.
Ang ating kabiyak na hindi din naman nagkulang sa pagaalaga at pagmamahal.
At mga Kaibigan na anjan para magpasaya at tumulong sa ating problema.
THANK YOU LORD!
YOU ARE MORE THAN ENOUGH FOR ME.