Saturday, October 15, 2011

Day 93.


Salamat sa isang hindi malilimutang araw kasama ka. Salamat sa pastillas. sa Jollibee! Sa yakap, halik, lambing at kasiyahang binigay mo. sorry kung medyo tipid mode. thug life si yaj eh. hahaha. basta alam mo na yun! mahal na mahal kita. :)
======================

Eto background music ko habang ginagawa ko tong blog na to. emo lang. :)


“Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It is not rude, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. Love never fails.” -1 Corinthians 13:4–8a

Ang bilis ng panahon. Tatlong buwan na pala tayo, o siyamnapu't dalawang araw para eksakto. Parang kahapon lang, hindi pa kita kilala. Parang kahapon lang nakakausap lang kita bilang kaibigan at walang anu mang koneksyon tungkol sa tinatawag nilang pagibig. Walang pagmamahal na katumbas, Walang nararamdamang kakaiba o pagkagusto, kaibigan lang. Tinitingnan ko lang ang mga pictures mo noon. Sinasabi ko sa aking sarili na swerte naman ng magiging asawa nito, hindi lang dahil sa maganda at matalino ka, dahil na din sa kabaitan, sa paniniwala mo sa Diyos at mabuting asal na meron ka. Kaya hindi nag tagal nahulog na ako sayo. Laking pasasalamat ko nalang kay God kasi binigyan niya ako ng pagkakataon na mahalin ka at maging kabiyak.

Ngayong akin ka na ng tatlong buwan, wala akong iniisip na pagsisisi o kakulangan simula nung sagutin mo ko. Alam kong hindi ako nagkamaling piliin na ikaw ang mahalin dahil iba ka sa mga babaeng nakasama ko o kakilala ko. Ikaw yung spark na kailangan ko. Ikaw ang palaman sa tinapay, tinta sa ballpen, daliri sa mga kamay, ngiti sa mukha, yakap sa taglamig. Hehe. Basta ikaw yung bubuo sa puso kong naghahangad ng tunay na pagmamahal. Iniisip ko ngayon na hindi ko na dapat sayangin ang pagkakataon na anjan ka na, na ikaw na nga. Yung pang seryosohan, pangkasalan at panghabang buhay na hinahanap ko. Yung taong gusto kong makasama at makapiling habang buhay. Yung mapapangasawa ko at magiging ina ng mga anak ko.

Kung bibigyan lang ako ng pagkakataon humiling ng kahit ano, ang hihilingin ko lang naman ay ang maging makabuluhan at worth it ang buhay ko kasama ka. Gusto ko lahat ng pangarap ko matutupad kasama ka, Gusto ko ikaw ang magiging sandalan ko kapag nalulungkot ako, Gusto ko ikaw ang magiging guro ko sa mga oras na nagkakamali ako, Gusto ko ikaw ang kasama ko hanggang sa kabilang buhay at kung mabubuhay ulit ako, gusto ko ikaw pa din ang mamahalin ko. Sa lahat ng experience ko at mga natanggap kong aral sa buhay, kuntento na ko sa mga iyon. Kuntento na ko sa mga binigay sakin ni Lord dahil para sakin halos nakukuha ko naman ung kasiyahan na dapat makuha ng lahat ng tao. Sa pamilya at mahal ko sa buhay na binigay niya at sa madaming madaming kaibigan na ipinakilala niya. Sobra na yun. Hindi man makakuha ng matataas na grades o magandang trabaho, alam kong hinding hindi ako pababayaan ni Lord dahil siya ang may plano ng lahat ng ito. Kaya baby huwag na huwag nating aalisin ang tiwala natin sa kanya dahil siya ang ka love triangle natin. Magaway man tayo o magtampuhan sa kanya tayo lumapit dahil anjan siya para magbigay ng aral at mabuting desisyon para maging okay tayo ulit. Mahal na mahal niya tayo at hinding hindi pababayaan. till death do us part.

MAHAL NA MAHAL KITA SA LAHAT NG ORAS AT MAGPAKAILANMAN!


Day 92.

MGA ULUPONG KONG OJT MATES. -TEAM PALAG PALAG

Hanggang ngayon hindi ko pa din gets kung bakit nyo ginaya yung post kong ganyan. At wala pa ding nagsasabi sakin kung bakit. parang hindi tropa amp. haha

LEGGO PLDT GAMING! SANA MAKAPAG OJT NA!

==========================================================
SOUNDTRIP MGA BRAD! CHILL LANG TAYO AT PEACE LANG.






Thursday, October 13, 2011

Day 91.


Nalungkot lang ako nung napanood ko to. walalang. Sobrang laking kawalan lang kasi siguro talaga ni ryan dahil sa lahat ng napanuod kong eiposodes ng showtime na andun si ryan, walang araw na hindi ako tumawa. Sobrang natural lang talaga niya at ang ganda nung combination nila ni Vice ganda. Pamilya na nga talaga ang turing sa kanya ng showtime family. kalungkot lang na wala na siya ng tuluyan.

=================================================================


Natuwa din ako sa logo ng youtube ngayon. proud to be a Filipino.

Wednesday, October 12, 2011

Tuesday, October 11, 2011

Day 89.

Rapper na ko ngayon baby. This song is for you. :))


Nasan ka na ba mahal ko? namimiss kita pag di ka nakikita ano ang dapat kong gawin 
para lang malaman mong ikaw ang mahal.

MISS NA MISS NA KITA MAHAL KO!! MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA!!

Monday, October 10, 2011

Day 88.

"Ang bisyo at kasalanan walang pinipili at iniiwasan, Kaya ikaw lang at ang sarili mo ang dapat umiwas dito."

-naisip ko kanina habang naliligo. may point naman diba? :))

===================================================================
Nanaginip ako kanina. hindi daw ako gagraduate ngayong march dahil may bagsak ako ngayong sem. Sobrang kabado ko at wala akong nagawa para ipasa yung english na yun. Buti nalang at panaginip lang yun. At pag tingin ko ng grades online. hindi na ko INC. wooohoooooo! HAHAHA. thank you Lord!


Day 87.

UNITED BS-IT 4TH YEAR STUDENTS.


Sayang at maraming hindi nakasama at at yung iba umuwi agad. MASAYA at HINDI MALILIMUTAN ang karanasang ito. Sana hindi ito ang huli. :) - Monte Nevoso, Los Banos Laguna