Saturday, March 17, 2012

Day 247.

Sorry din baby. Sorry pero yun talaga pinaka ayoko sa lahat eh. ewan ko ba kung bakit hindi ko mapigilang mainis kapag naghihintay ako at wala akong ginagawa o kasama. Tsaka napagusapan naman kasi natin ung oras kung anung oras tayo magkikita diba. sorry kung ndi ko napigilan sarili ko na hindi mainis. wala eh. Basta mahal kita. bawi nalang tayo sa next pyro kung kelan man yun. basta ako sulit araw ko dahil kasama naman kita kahit na hindi tayo masyado nakapag usap. mahal na mahal kita! :)


Pyromusical 2012

Ilang linggo nang nakakalipas nung pinagplanuhan natin na manunuod tayo. Sa huling araw, manunuod tayo. Sigurado na tayo dun. Hindi ko sinasadya na hindi ko alam kung nanong oras matatapos ang practice ng graduation. Hindi ko sinasadyang paghintayin ka. Hindi ko sinasadyang sumama yung loob ko sa nangyari. 
Kaninang umaga, masayang masaya kong gumising at hiniling ko na kay Lord na sana maging masaya ko hanggang matapos ang araw. Alam ko magiging makabuluhan ang araw na to dahil sa araw na ang una at huling practice para sa graduation ko, mapapanuod ko ang huling araw para sa Pyromusical na gustong gusto ko at higit sa lahat makakasama kita. 
Alam kong sobrang babaw na sumama yung loob ko na hindi natin napanuod ang Pyromusical pero sobrang saya ko lang talaga kapag nakakapanuod ng Fireworks Display. Alam kong alam mo yun kung gaano ako kasaya sa mga fireworks display. Sobrang sama ng loob kong tanggapin na kahit kailan hindi mo na ko makakayang hintayin. Alam ko yun simula palang umpisa na ayaw mo ng naghihintay pero sakin? hindi ko alam pero nakakasama lang talaga ng loob. Lalo pa’t alam ko yun sa sarili ko na kahit kailan hindi ko sinasadyang maghintay ka sa akin. 
Hindi ko alam yung magiging reaksyon ko nung nakita kita. Sa sobrang sama ng loob ko, hindi ko makaya ibuka yung bibig ko. Nung dumating ka sa foodcourt, mas lalo pang nakakainis na nauna mo pang batiin yung mga kakilala/kaibigan mo (Hindi ko alam) kesa sa akin. Alam mo yun? Nakakainis. 
Habang nanunuod na tayo ng movie, hindi ko na talaga mapigilang umiyak. Nadagdagan lang ng nadagdagan yung sama ng loob ko. Pero paulit ulit nararamdam ng puso ko na kahit ano pang bagay ang gusto ko, mas gugustuhin ko pa rin ng makasama ka. Kahit ayaw mo na kong kausapin, kahit ayaw mo na kong hawakan, kahit pa ayaw mo na sakin, ikaw pa rin ang gusto. 
Baby, alam kong mahirap akong pakisamahan at nakakasawa na. Sorry. Sorry pero mahal na mahal kita. Mahal na mahal na mahal kita. 

-lovelettersfromyeng

No comments:

Post a Comment