Tuesday, February 14, 2012

Day 215.


Happy 214 Days (7 Months) Baby!! Happy Valentines Day!
Alam ko naman shempre na alam mo ng ganito ang video na to. Wala naman akong malalagay na iba sa video kundi mga pictures naten. Nung nasira yung video kagabi, naisip kong sarili ko nlang video na may greetings para sayo pero masama yung pakiramdam ko. Haggard tignan. So ayan, inulit ko nalang. Meron pang isang video, yang nasa baba. Maganda yung mga effects e, kaya lang hindi ko masyado maayos kasi antok na antok ako kagabi. (Haba ng paliwanag ko. Hahaha. )
So ayun. Happy 7th Month baby! My undying hopes are still in. Na sana kahit malayo tayo sa isa’t isa (hindi naman talaga gaano), eh lagi mo pa rin akong mahal. Na ako lang. Alam ko namang nagsasawa ka ng sinasabi ko yun. Gusto ko lang din ipaalala sayo. Eh basta. 
Baby, alam mo na yun. Alam ko naman na alam mong mahal kita. Mahal na mahal kita. Hindi ko naman nakakalimutan sabihin sayo yun. This past few days, ang daming pagbabago/nangyayari na hindi ko nagugustuhan. Sana maayos pa din tayo. Hindi pa din tayo susuko sa kung anu pa man yung mangyayare satin. Na tayo pa din. Hanggang dulo. 
Salamat sa lahat ng pagkakataon na nakakasama kita, nakikita, nakakausap. Lahat kasi yun importante para sakin. Salamat sa hindi mo pagtotolerate sa lahat ng kadramahan ko sa buhay. Lalo na sa mga panahong hindi mo ko pinapansin. Hindi ko alam kung ginagawa mo yun tulad ng naiisip ko na para tumigil na ko dahil wala naman akong kapupuntahan o ayaw mo nalang talaga kong pansinin. In either ways, nakakatulong naman sakin, masama nga lang sa kalooban na ganun. Basta, salamat sa lahat lahat. Alam mo naman yun e. 
Mahal na mahal kita baby. 

-lovelettersfromyeng


salamat sa valentine at monthsary message. I love you!!

No comments:

Post a Comment