January 16, 2012
Ilang oras pa lang kitang hindi nakakausap, sumasakit na puso ko. Hindi ko alam yung nangyayare e. Hindi ko alam anong iniisip mo ngayon, ginagawa o nararamdaman. Wala ka man lang text. Hindi ko alam baka pagbalik mo, hindi mo na ko mahal. Ganito kahirap yung hindi kita makausap. Unang araw palang, pano pa kaya sa mga susunod na araw? Ang hirap naman. Sigurado akong hindi ako makakatulog kasi walang goodnight galing sayo. Makatulog man ako dahil yun sa pagod at sa sobrang sakit ng katawan ko. Ang hirap.
Sobrang miss na miss na agad kita baby.
Wala na akong load ngayon. Hindi ko rin alam kung magloload ako para i-text ka. Nasa retreat ka kasi. Dapat nagrerelax ka dyan at nagmumuni-muni. Ayoko naman na guluhin ka. Kaya lang iniisip ko din na baka naman magalit ka kung hindi ako mag0uupdate sayo. Hay. Sobrang namimiss kita. Hindi ko alam yun gagawin ko. :(
-Lovelettersfromyeng
No comments:
Post a Comment