Friday, January 6, 2012

Day 176. HAPPY BIRTHDAY BABY!!!

    Happy Happy Birthday baby! First birthday mo to simula nung naging tayo. Sobrang salamat sa lahat ng mga bagay na binigay mo lalong lalo na sa pagmamahal na pinapakita at pinaparamdam mo sakin simula nung una. Salamat dahil hindi ka nagsasawang magmahal at magbigay ng importansya sa akin. Hindi man maiwasan ang mga mga pagsubok at problema, alam kong anjan ka pa rin at buo ang loob na harapin lahat ng ito, basta iisipin mo lang lagi na andito lang ako lagi para sayo kahit anung problema pa yung dumating, o kahit buhay ko pa yung kapalit. Alam mo baby, sa lahat ng naging relasyong nadaanan ko, Sayo ko lang naramdaman ang totoong ibig sabihin ng true love. Yung tipong hindi ako nagsasawang mahalin ka, Alagaan ka, lambingin ka at pasayahin ka. Hindi tulad ng iba na sa una lang pala ako magiging masaya.

    Ngayong birthday mo, sana maging masaya ka dahil yun naman ang pinakawish ng karamihan sayo. Sayong sayo ang araw na ito kaya dapat i-enjoy mo lang o ipakita na parang wala kang problema(na sana wala naman). Basta kung may problema man, tawagin mo lang ako at akoy darating para sayo. Syempre si God din wag na wag mong kakalimutang kausapin, I wish you all the best!! Lapit na graduation kaya mas maraming pagsubok ang darating! Kaya natin lahat yan! 

MAHAL NA MAHAL KITA! LAGI, KAHAPON, NGAYON, BUKAS AT MAGPAKAILANMAN!!

Stay happy!


No comments:

Post a Comment