Monday, October 3, 2011

Day 81.

Mapaglaro talaga ang utak natin pagdating sa mga panaginip. Para tayong nasa pelikula at hindi alam kung anung susunod na mangyayari. Ang panaginip minsan random, minsan chill lang at minsan ganito.


Ganyan ba naman makita mo sa panaginip mo ewan ko nalang kund hindi ka pa kabahan. Nasa makati daw kasi kami, sa condo. tapos may isang building na nasusunog sa malayo. After mga ilang minutes gumuho na yung nasusunog na building. tapos ng bigla nalang sunod sunod ng gumuho halos lahat ng katabi nitong building. maswerte at hindi kami inabot. Medyo bitin nga yung panaginip ko eh, kasi nung naisipan naming lapitan ang pinangyarihan, at yun ang gusto kong makita......... 

Bigla akong nagising at narinig ang katulong namin na sumisigaw ng "AHAS!!! AHAAAS!!" may nakita daw siyang ahas sa likod ng bahay namin. Kaya ayun naputol yung panaginip ko. Minsan lang ako managinip ng ganun ka aksyon at kakabahan ka talaga. hahaha. walalang.

No comments:

Post a Comment