September 8, 2010 - Yan ang huling picture ko nung nakaraang taon bago ako ma-ospital. Kasalukuyan akong nagrereview nun. Wala pang trace ng kahit anong sakit. As in normal lang talaga.
September 9, 2010 - Umaga, Hindi na ko makatayo sa sobrang sama ng pakiramdam ko. Umalis na si Papa at yung kapatid ko para pumasok at nasa baba naman si Mama habang nasa kawarto ako. Sumisigaw ako para marinig ni Mama pero wala talaga. Parang walang lumalabas na boses sakin. Hindi ko na talaga nakayanan ang sakit ng ulo ko. Gumapang ako palabas ng kwarto at pababa ng hagdan. Sinugod ako ni Mama agad sa ospital. Ilang oras din akong nagtagal sa Mary Johnston Hospital. Nagsuka ako. Dun palang may trace na ng dugo. Kinuhanan ako ng blood sample. Ilang oras din akong pinag-stay sa emergency room pero pinauwi din ako. Wala silang sinabi na posibleng Dengue na nga yun.
Umabot pa ng gabi at hanggang madaling araw. Ala una nung sobrang taas na talaga ng lagnat ko. Sa UDMC na ko dinala nila Mama. Medyo malayo sa bahay namin pero nandun daw kasi yung doktor ko. Sobrang sakit talaga ng tyan at ulo ko nun. Kinuhanan na naman ako ng dugo. Hindi ko na naiintindihan ang mga nangyayari. Na-admit ako. Maayos pa ko nung unang dalawang araw. Bukod sa sakit ng tyan, sakit ng ulo at sobrang taas na lagnat, wala ng ibang problema. Sumunod na araw, kailangan ko ng masalinan ng dugo. Sobrang baba na ng platelets ko. DENGUE, STAGE 2. Ang hindi pa magandang balita, wala posibleng bloor donor. Lahat ng tinest, nag-fail. Wala ring available sa Blood Bank ng ospital. Nag-aagaw buhay na ko nun sabi nila Mama. Nung mga panahong yun, ang nakikita ko lang e madaming tao sa loob ng kwarto ko. Mga doktor, pamilya at ang mga kamag-anak ko. Nakikita ko sila, blurred pero hindi ko sila naririnig. Hanggang sa nakatulog ako. Ilang araw ring naghanap sila Mama ng mabibilan ng dugo. Swerte naman na maraming tulong na makahanap ng mabibilan. Pwede na sana kong lumabas ng ospital pero nagka-Pneumonia ko. Nagkaroon ng tubig yung lungs ko. Ang sabi ng doktor, 24 hours lang daw ang itinatanggal ng mga ganung kaso. Maswerte pa rin ako. Nakayanan ko lahat. Nabuhay ako. Sa kabuuan, 20 bags ng dugo (yung pinakaplatelets) ang isinalin sakin. Naka 25 na bag ng dextrose. 11 days akong na-admit. 14 days absent sa school.
May mga panahong natatawa na rin ako kahit nahihirapan na ko nun sa ospital. Nung panahong si Papa lang ang nagbabantay sakin, umabot sa puntong sya na ang naghugas ng pwet ko nung tumae ako dahil sa enema para lumabas daw yung mga bacteria. May panahong si Mama naman ang nagtanggal ng kulanggot ko dahil hindi kasya yung daliri ko sa butas ng ilong ko dahil manas na sa dextrose. Natatawa ko kapag naiisip ko yun pero naiisip ko rin na sobra ang naging hirap nila sa akin. Tulad ng hanggang ngayon, binabayaran pa ang inutang sa pinabayad sa ospital.
Nung naiuwi na ko galing sa ospital, kinikwento nila sa’kin kung ano ang mga nangyari. Sabi ni Abhie (Kaklase ko), nung dinalaw nila ko sa ospital, nakita nila ang Mama ko nakaupo sa hagdan, umiiyak. Sabi rin ni Mama nung mga panahong nag-aagaw buhay ako, iniisip nya na kung anong isusuot ko kapag ibinurol na ko. Seryosong yun daw talaga ang naiisip nya.
Kaya talagang malaki yung pasasalamat namin na nabuhay ako at ngayon isang taon na ang nakakalipas. Yun ang dahilan kung bakit ko pinalitan ang birthday ko sa Facebook. Hindi para magpapansin sa mga tao kundi bilang paalala na isang taon na ang nakakalipas nung binigyan ulet ako ng pagkakataon ni Lord na mabuhay dito sa Mundo. Re-birth.
Not everyone is given a second chance.
No comments:
Post a Comment