Sunday, August 14, 2011

Day 31. Unang buwan


August 14, 2011
My Last 1st Monthsary.
“Oh Happy Day.”


Yung pakiramdam na akala mo isang taon o higit na kayong nagsasama at magkakilala ng mahal mo pero kung titingnan mo sa kalendaryo, isang buwan palang pala. Sa sobrang saya at sobrang pagmamahal namin sa isat isa hindi ko napapansin kung gaano na ba kami katagal dahil para sa akin hindi naman mahalaga ang bilang kung gaano na kayo katagal, ang mahalaga eh mahal mo siya at mahal ka niya kahapon, ngayon at bukas.

Linggo ngayon at mukhang maganda ang sikat ng araw. Masaya naman ang paligid at walang ano mang nagiging sagabal. Tuloy ang plano, magkikita kami ni yeng. Excited dahil unang buwan ng aming relasyon. Ang main plan ko lang naman eh makasama ko siyang mag service sa CCF, dun sa church na dinadaluhan namin tuwing linggo. Natupad naman ang plano at masaya ako dahil na experience nya yun kasama ako. Mas napamahal lang naman ako sa kanya dahil magkasama naming kinikilala at minamahal ang banal na Panginoon, na sa tingin ko ang pinakamagandang ginagawa ng mga couples. Kailangan ng love triangle between Me, Her and God. Yun ang pinaka sweet sa lahat!

Praise God for everything. Sa lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon, sa pagbigay sa akin ng pamilyang malapit sa kanya at sa kakayahang makilala siya ng husto. Sa pagbigay sa akin ng mamahalin na katulad ni yeng, na wala ng mas hihigit pa. Sa ngayon I feel happy and blessed dahil alam kong hindi ako pinapabayaan ni Lord God. Ang wish ko lang naman eh magtuloy tuloy yung ganitong pagkakataon at mas lalo pa naming makilala ang Panginoon sa tulong ng pagsisimba at pag gawa ng tama. Gusto ko lang naman na kilalanin ng husto si God para sa ganung paraan mas makilala ko din ang sarili ko at mas mabigyan ng pansin ang mga bagay na gusto niyang iparating sa ating lahat.

In God, All things are possible just praise and glorify him. Thank you Lord! I love you! J

No comments:

Post a Comment