Sunday, July 31, 2011

Day 17.

SONGS OF  THE DAY

"Without you" by: Aj Rafael

"Handle with care" by: J.R.A

"Just for a Moment" by: Jason Chen

===================================================================
Isa akong Secret Admirer.




       Lagpas isang linggo na din kaming hindi nagkikita ni Yeng. Miss na miss ko na siya. Hanggang ngayon hinahanap hanap ko pa din yung mga kamay niya, yung ngiti niya, halik at yakap niya. Nakakalungkot lang dahil hindi natuloy yung lakad namin kahapon dahil sa mga bagay na hindi talaga maaasahan. tulad ng pagkawala ng isang minamahal o biglaang okasyon na kailangang puntahan. Ganun naman ang buhay eh, puno ng surprises. Masasaktan ka, magugulat o maiiyak, pero wala kang dapat gawin kundi tanggapin nalang ito at mabuhay ng tama. Malamang sa oras na ito may mga taong nasasaktan o umiiyak, nasasaktan sa kung ano mang bagay na hindi nila matanggap. Madapa ka man ngayon wala ka ng ibang dapat gawin kundi bumangon at mag move on. Dahil bukas ay isang panibagong araw nanaman para sayo. Panibagong buhay na punong puno ng kaalaman at pagmamahal na hinahanap mo. Naghihinagpis ka man ngayon, huwag ka magalala nakahanda na yung kasiyahang ibibigay sayo ng Diyos bukas.



No comments:

Post a Comment