Friday, August 12, 2011
Thursday, August 11, 2011
Day 28.
"Put God in the center of everything."
Eto lang naman ang katagang bumuo sa araw ko ngayon. Ang bigat ng mensahe na binibigay ng linyang yan. Maiksi pero punong puno ng halaga at importansya hindi lang para sa atin pati na rin sa kapwa natin. Siguro naman naiintindihan nating lahat ang ibig sabihin ng pangungusap na yan. Sinasabi lang naman na sa lahat ng bagay, ilagay natin ang Diyos sa gitna. Sa pagkakaintindi ko sa katagang ito, naliliwanagan ako na ang buhay ay magiging mas makabuluhan at mas kaaya ayang pamumuhay kapag kasama natin ang Diyos sa lahat ng nararanasan at ginagawa natin dito sa mundo. Kung kilala nating mabuti ang Diyos, mas madali natin siyang mailalagay sa ating puso at isipan na makakapagbigay sa atin ng tamang kahalagahan at kahulugan ng Buhay.
Katulad ng relasyon namin ni Yeng. Gusto ko na sa lahat ng mararanasan namin bilang magkabiyak, nais naming ipamahagi lahat ng aming karanasan at talino upang maipakita ang aming pananampalataya at pagmamahal para sa Diyos. Sa pamamagitan ng dasal at pagmamahal sa kanya, mas mapapalapit kami sa isat isa at mas mabibigyan namin ng sapat na pasasalamat lahat ng karanasan at karunungan na natatanggap namin mula sa kanya.
Wednesday, August 10, 2011
Day 27.
ANG GANDA LANG NAMAN NG PAGKAKASABI.
"NUMBER ONE"
"SWEETHEART"
"STRIP"
YUNG PAGHANGA KO SAYO IDOL HABANG BUHAY,
TULAD NG PAGMAMAHAL KO PARA KAY YENG.
"Boy in Detention" - New Album (ata)
Tuesday, August 9, 2011
Day 26.
Love itself is life.
Kung walang pagmamahal sa puso at kaluluwa mo, balewala ang pamumuhay mo dito sa mundo.
Forever 11:11
Mahal na Mahal kita Mrs. Lorraine V. Baladjay
Monday, August 8, 2011
Day 25.
BY CHANCE - JAMICH
"Sometimes it only takes a little spark to change the meaning of your life."
Jamvhille and Paolinne Michelle, better known as the real life couple "JAMICH" opens their doors and gives you an inside look to their happy love/hate relationship. They're like your ideal relationship but just like others, they are not perfect. Adjusting to their similarities and differences, see how they cope and deal with everyday tribulations. An inspirational short film made by them as they share their views about love & life.
MGA LINYANG HAHAWAK AT KAKATOK SA PUSO MO:
"Mahal na mahal nating ang isat isa pero wala na tayong spark... puro tayo away, laging hindi tayo nagkakaintindihan"
"Dalawa lang yan eh. its either you stay or you go.."
"Kung wala na talaga tayong chance. lumabas ka jan sa pintuan at hindi na rin kita pagbubuksan ng pinto sa buhay ko"
"Wow! dream come true."
"Sa simula shytype pa. torpe ko pa nun eh. hindi niya alam na sobrang interesado na ko sa kanya. pati mga unang text niya nakasave pa sa phone ko."
"This is the moment."
"Araw araw gusto mo siya makasama. Kulang ang isang araw."
"Walang katapusang tawagan at text. hanggang pagtulog at pag gising mo, siya agad ang nasa isip mo. sa madaling salita, siya ang mundo mo."
"Kapag inlove ka, inlove ka. parang nasa heaven."
"Sino ba namang makaklimot sa first kiss."
"First picture together, nagkasundo, at naging maganda ang pagsasama. hanggang umabot na kami ng first year anniversary."
"Ang bilis ng panahon, ang dating babaeng pinapangarap ko lang, ngayon shes my life, shes my world, my universe."
"Lumipas ang mga araw, buwan, taon. halos lahat na ata ng nangyari sa buhay namin nakwento na ng bawat isa. wala ng hiyaan. bilang na niya lahat ng nunal sa buong katawan. naging komportable na kami. na minsan sa pagiging komportable, dun nyo palang talaga makikilala ang bawat isa."
"Ang mga babae papalit palit ng desisyon."
"Kaya tuloy minsan na-ttake for granted natin ang tama natin dahil sa hindi pagkakaintindihan."
"Hanggang sa magsasawa ka na dahil paulit ulit ulit ulit nalang.syempre tao lang naman ako eh. nagsasawa din."
"Grow up!"
"Galit, Selos, Pride, Balikan ng mali."
"Ano pinaglalaban namin? sino bang panalo? parehas kaming talo sa laban na dapat magkakampi kami. "
"Pero bakit ganun, kapag lalong pinipilit, lalong nawawala."
"Yung dating masaya, masigla at magandang pagsasama, at napalitan ng lungkot hindi pagbibigayan at hindi pagkakaintindihan."
"Dapat pa ba naming lumaban pa? o kailangan nalang naming tanggapin ang katotohanan na hindi kami para sa isat isa."
"Ito na ata ang aming finish line."
"Minsan kaming nag tawanan, minsan kaming naging masaya. minsan parang kami lang ang tao sa mundo. dahil kapag magkasama kami, okay na ang lahat. nakalimutan na namin ang minsan."
"Feelings and emotions change. it doesnt mean that if you dont feel something for each other anymore, the love is gone."
"If love we're only feelings, then theres no such thing as lasting."
"Love can sometimes turn numb or even be boring. You just have to be patient."
"Love itself is life."
"Sometimes you also have to give in to its bitterness."
"As long as you choose and decide to continue, it will be more beautiful."
ORIGINAL SONG FROM J.R.A
Day 24.
NAKAKAINLAB LANG NAMAN MAKINIG NG MGA GANITONG KANTA.
At si julie ann pa ang kakanta.
Eh di nawala mga problema mo diba. :)
Saturday, August 6, 2011
Day 23.
Isang masayang nakakakilig na araw para sa akin.
umaga.bangungot.malungkot.natatakot.
natatakot na mawala siya dahil sa panaginip ko nangiwan siya.
masaya pag gising dahil sinabing hindi siya mawawala, hanggang panaginip nalang sana.
Nakakamiss lang ang paramore.
Gising. Isang malaking mangkok ng Champorado. Gatas. Asukal. Ligo. Nag iisip ng dadalhin. Nagmamadali. Excited sa muling pagkikita naming dalawa. Showtime Monthly finals. Parang Finals na. Gagaling nila. Hindi na tinapos. Nagiisip. Napamura. May nstp pa nga pala. Badtrip. Pasok. Late. 1:30 na. Naiwan yung ibang dadalhin. Natanga. Kakatamad pumasok. Umupo. Nagsulat sa halos back to back na bond paper. Tungkol sa Leadership. Leader. Democratic at Authoritative leadership. Ayun 30 mins break. Kaen muna tanghalian. Sakto may tocino sa La Cantina. SOLB! Halos tatlong oras nakaupo sa silid aralan at naghihintay mag alas kwatro. Idlip muna. Fast forward. Alas kwatro na. Gising na gising dahil uwian na. Tinext ko na siya. Magkikita na kami. Punta Central station. Sakay larti. Baba Tayuman. Hintay sa Jollibee. Nakita ko na siya ulit! Nabuhay ang puso ko. Namiss ko tong taong to. Siya lang ang nakikita kong tao sa paligid. mahal na mahal ko siya. hintay taxi. san ba pupunta? plano. Fireworks! sa MOA. Nood muna septic tank. Nasa MOA na. Bili Ticket. 5:30 na. 6:00 yung start. Sakto. Pila. 5:45 nakapasok na. Pwesto sa magandang spot. Sarap umupo sa tabi niya. Sana habang buhay nalang ganun. Trailers. Ayan na. Septic Tank. Comedy. Nakakatawa yung gumanap na Director na jetlag galing italy. Ang galing sa grammar at expresso. HAHA. Eugene Domingo. Lupit sobra. Benta yung palabas na yun. Buti nalang nilabas sa sinehan. 7:00 na. Fireworks na. Nanonood pa kami. No choice, Naririnig lang namin sa labas yung putok ng fireworks habang pinapanood ang Babae Septic Tank.Mga I love you, Hug at Kiss ni Yeng. Wala ng hihigit pa don. Tapos na Palabas. Labas. Sakit ng tiyan ko. Dahil ata sa Tocino na ginugunting sa school. Tiis nalang kesa masira ang pagkikita namin ni yeng. Lakad lakad. Plano ulit. Tawid. Punta sa may SeaSide. Ang daming pagpipilian. Lakad lakad. Seafood dito. Seafood doon. Napakain sa isang Seafood Restaurant. Mahal ng paluto. Ala carte nalang. Buttered Shrimp. SARAP. Yosi muna. No Bisyo Day nga paa ngayon. Sorry baby! Nawala sakit ng tiyan ko sa busog. Ang tipid ni baby magkanin. Hindi Inubos. Salamat sa Pagbabalat ng Hipon. Bayad. Lakad Lakad. Inaantok sa kabusugan. Uwi na. Mag 9 PM na pala. Sakay taxi. Hanggang Tayuman. Hindi matumbasang yakap. Nasa tondo na pala kami. Baba na. Lakad papunta sa kanila. Kapagod. Pagdating sa kanila kumpleto ang pamilya. May Tito at Tita pa. Hello lang. Alis na ulit. Nagmamadali. Sana Abutan ang Larti 1. Sakay pedicab. Sakay Jeep. Hanap CR. Punta Tayuman Station. Bukas pa pero yung may ticket nalang tinatanggap. Baog. Baba. Sakay Jeep. Umuulan ng Malakas. Badtrip ulit. Baba ng Recto. Sana bukas pa ang Larti 2. Sa Entrance. May guard. Kaso sinasara na yung Automatic Gate. Baog part 2. Abang Jeep. Nasakyan papuntang San Juan. Mali. Baba. Abang jeep. Sakay papuntang Cubao. Okay na. Relax na. Ang lakas pa din ng Ulan. Wala akong payong. Mabuti nalang at hindi naabutan ng ulan nung magkasama pa kami ni yeng dahil wala kaming payong. Nasa Cubao na. Baba. Abang Shuttle. Sakto meron. Last 1. Ako nalang hinihintay. Paalis na. Ang lakas ng Ulan. Trapik sa Aurora Blvd. Inantok sa Pagod. 2 hours ng bumabyahe. 10:30 na. Nakaidlip ata ako ng 20-30 mins. Baba ng Parang. Fortune. Ang lakas pa din ng Ulan. Takbo hanggang Tricycle Station. Sakay. Modesta po kuya. Everlasting Street. Sakay. Biyahe na. Lakas pa din ng Ulan. Hanggang dito sa amin sinundan ako. Bahay na. Sa wakas nakauwi din. Solve ang Pagod. 11:00. Thank you Lord sa Araw na ito. Sana napasaya ko yung mahal kong si Yeng.
Namimiss ko na siya agad. Hay. Tiis Tiis muna ulit.
Balik sa Realidad.
MAHAL NA MAHAL KITA YENG VILLAVICENCIO.
Subscribe to:
Posts (Atom)



