"Put God in the center of everything."
Eto lang naman ang katagang bumuo sa araw ko ngayon. Ang bigat ng mensahe na binibigay ng linyang yan. Maiksi pero punong puno ng halaga at importansya hindi lang para sa atin pati na rin sa kapwa natin. Siguro naman naiintindihan nating lahat ang ibig sabihin ng pangungusap na yan. Sinasabi lang naman na sa lahat ng bagay, ilagay natin ang Diyos sa gitna. Sa pagkakaintindi ko sa katagang ito, naliliwanagan ako na ang buhay ay magiging mas makabuluhan at mas kaaya ayang pamumuhay kapag kasama natin ang Diyos sa lahat ng nararanasan at ginagawa natin dito sa mundo. Kung kilala nating mabuti ang Diyos, mas madali natin siyang mailalagay sa ating puso at isipan na makakapagbigay sa atin ng tamang kahalagahan at kahulugan ng Buhay.
Katulad ng relasyon namin ni Yeng. Gusto ko na sa lahat ng mararanasan namin bilang magkabiyak, nais naming ipamahagi lahat ng aming karanasan at talino upang maipakita ang aming pananampalataya at pagmamahal para sa Diyos. Sa pamamagitan ng dasal at pagmamahal sa kanya, mas mapapalapit kami sa isat isa at mas mabibigyan namin ng sapat na pasasalamat lahat ng karanasan at karunungan na natatanggap namin mula sa kanya.
No comments:
Post a Comment