Thursday, March 15, 2012

Day 245.

Isa sa mga sweet letters sakin ni yeng.

A Night To Remember.

Matagal ko na rin namang wish na makasama ka matulog pero hindi ko inasahan na mangyayari yun kagabi. March 14, 2012
Hinding hindi ko makakalimutan yun. Ang saya saya sa pakiramdam. Yun katabi ka sa pagtulog, ikaw ang huling nakita ko at sa paggising ko, ikaw ang unang nakita ko. Sobrang sarap at saya sa pakiramdam na habang sinusulat ko to, ramdam na ramdam ko pa din yung saya. Yung kitang kita ko kung gaano ka katagal bago matulog, gaano ka katamad bumangon at yung reaksyon mo sa panahong pagdilat ng mata mo, ako yung nakita mo. Kahit pa parehas tayong nagsinungaling para lang magkasama tayo kagabi pero kung ganun kasaya baka gustuhin kong magsinungaling ng paulit ulit. Mas magiging masaya nga lang kung hindi na natin kakailanganin pang magsingunaling magkasama lang sa pagtulog sa bawat gabi. Yung nangyari kagabi, isang kakaibang experience yun para sakin. Para kong nanuod ng trailer sa isang pelikulang mararanasan ko balang araw. Sana, sa mga susunod na araw, sa mga susunod na panahon, kung ano tayo ngayon, ganun pa rin tayo habangbuhay. 
Bilang ako, siguro naman alam mong hindi matatapos ang post na to na walang kasamang drama. Tulad ng lagi kong sinasabi sayo, Ikaw ang pinakamaganda at pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Ikaw yung nagpapasaya, paminsan-minsang nagpapaiyak, nagbibigay inspirasyon, nagpapalakas ng loob, nagpapatatag  at nagbibigay ng kulay sa buhay ko. Tulad ng palagi kong ipinapaalala sayo, sayo lang ako at hindi kailanman makukuha ng iba, mamahalin kita habangbuhay at mananatili ako sa tabi mo hanggang sa gusto mo. Kung dumating man sa pagkakataong ipagtabuyan mo na ko, isa beses ko pa ulit kukumpirmahin kung yun ang makakapagpasaya sayo. Masyado kitang mahal para pakawalan at araw araw kong ipaglalaban ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa iyo. Araw araw kong ipinagdadasal sa Diyos na gabayan ka at tulungan akong iparamdam sayo kung gaano kita kamahal at kung gaano kita ka-gustong makasama sa habang buhay. 
Lulubos lubusin ko na rin ang post na to. Mainis ka man, bahala na. Ikaw na rin ang nagsabi sakin na maging open ako sayo, sabihin ko sayo ang mga nararamdaman at naiisip ko. Sa mga pagkakataong hindi mo nagugustuhan ang mga nangyayari sakin, naiisip ko at mga sinasabi ko, pasensya na pero wala na kong kayang itago pa sayo. Madalas na puro ako drama sayo pero wala rin kasing mapagsasabihan ng mga ‘yon kundi ikaw lang tulad ng ikaw na lang rin naman ang nagtatyagang makinig sakin. Salamat sa lahat ng mga pagkakataong hindi ka nagsasawang pakinggan ako, palakasin ang loob at manatili pa rin sa tabi ko kahit alam nating mahirap akong pakisamahan. Salamat sa mga pagkakataong ipinaparamdam mo sakin na importante ako at sa pagtanggap sa akin kahit ano o sino pa ako. 
Kung isusulat ko ang mga bagay na ipinagpapasalamat ko sayo, baka hindi na ko matapos. Walang sasapat na salita ang makakapagbigay kahulugan kung gaano ko kasaya na dumating ka buhay ko. Mamahalin kita sa abot ng makakaya ko at paraan na alam ko. Mahal na mahal na mahal kita baby. Maligayang ika-walong buwan para sa atin. :)
-lovelettersfromyeng

No comments:

Post a Comment