Halo-HaloSa sobrang init nung summer, halos araw-araw akong kumakain ng halo-halo. Hindi ko naman talaga trip kumain ng halo-halo dahil may ibang sangkap yun na hindi ko naman kinakain pero dahil nga yata sa sobrang init, nagustuhan ko na ang pag kain nun. Sabi ko nga nun, I just fell in love with the thought that eating halo-halo makes me feel happy. Ewan ko din kung bakit ko nasabi yun. One time nasa SM San Lazaro kami ng Mama ko, halo-halo ang kinain ko at gamit ang wifi ng SM, nagtweet ako na yung susunod na manlilibre sakin ng halo-halo e mamahalin ko talaga.
Nagreply nun sa tweet ko si Yaj. Hindi ko pa sya boyfriend nun and friends lang kami at all. Ililibre nya daw ako ng halo-halo. Natawa na lang ako nun at kinilig. Hindi ko naisip yung sinabi ko, ang naisip ko masarap kumain ng halo-halo at masaya siguro kung sya ang makakasama kong kumain nun.
Simula nun, wala ngang nanlilibre sakin ng halo-halo. Kapag kumakain ako ng halo-halo, lagi ako yung bumibili dahil walang gustong manlibre sakin kahit pa pilitin ko sila. Halo-halo sa chowking lang ang gusto ko.
Last month yta yun, hindi ko sure. Nasa MoA kame ni Yaj. Sa chowking kami kumain. Pagbalik nya sa table namin, walang halo-halo pero pinag-usapan naming oorder sya. Hindi ko na sinabi, hindi ko pinansin, hindi ko pinaalala, hinintay ko nalang yung mangyayari dahil naiisip ko nga yung sinabi ko nun. Sya na din ang nagsabi na dapat nga daw ay may halo-halo. Napangiti na lang ako.
Sya ng sumunod na nanlibre sakin ng halo-halo at talaga nga minahal at hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin. :)
---- REBLOG FROM YENG
Kinilig lang naman ako at medyo nalungkot nung nabasa ko ito. Hindi ko akalain na ganun pala ang storya sa halo halo. Haiii. Miss na miss ko na si yeng.Sana may magdala sakin sa tabi niya o kahit dalhin nalang siya sakin para makita at makasama ulit. Miss na Miss na kita!! Mahal na mahal kita baby.
No comments:
Post a Comment