ANG GALING NIYA DITO(SUPER BASS COVER, JULIE ANN)
Julie Ann San Jose o sa palayaw na JAPS. 17 years old pero madami ng na-achieve sa buhay. sumikat sa pagsali sa Popstar kids ata nung 2005 at napapanood tuwing linggo sa Party Pilipinas. Basta magaling siya, yun lang masasabi ko. Mabilis ko pa namang ma-appreciate yung mga may magagandang boses kaya saludo ako sa kanya. nakilala ko siya dati sa youtube dahil sa cover niya nung from this moment. eto yung video!
Nakakatunaw lang ng puso.
===================================================================
Oo nga pala, pagyayabang ko lang yung pangalawang experience ko ng lindol. Kagabi July 26, 2011. Mga 1 A.M. ata yun. Mag isa ko dito nun. parang may mga dagang gumagapang sa computer table kasi may parang kaluskos. tapos maya maya parang dumuduyan na yung upuan ko. ayun nga lumindol nga. kalat agad sa facebook at twitter eh. asusual mabilis pa sa kidlat ang balita dun. Kaya kahit wag ka na manood ng balita, mag fb o twitter ka nalang madami ka ng masasagap na impormasyon.
AANHIN MO PA ANG MGA RADYO AT TV EH ANDITO NA LAHAT! LOL
===================================================================
Ngayon ko lang napanood yung Harry Potter7 part 2. Natuwa ako pero hindi ako nagandahan masyado. buti nalang hindi sa 3d. Marahil siguro sa hindi ako nahilig sa harry potter o talagang hindi naman talaga ganun kaganda. namatay lang si voldemort at nagkaanak sila. dun lang natapos. kawawa naman yung mga nagbasa ng pagkahaba haba yun lang din pala ang ending. hahaha. baog!
Pero salamat pa din sa hindi namin malilimutang karanasan na masaksihan ang ganitong klaseng pelikula. Hinding hindi kayo malilimutan ng karamihan!
Mahal kita Emma Watson! This song is for you.
===================================================================
Ang dami ko pa sanang gusto i post kaso hahaba lang lalo. eto nalang last. Kanina nung pauwi ako galing gateway, magkatext kami ni yeng. Syempre kamustahan ganun ganun. Dumating sa usapan kung anu kinain niya at kung anung ulam. haha. hindi naman maiiwasan itanong yun sa mahal mo. Nagluto pala siya ng ginisang sayote at giniling. Syempre proud ako dahil marunong pala siya magluto ng mga ganung klaseng ulam pero inasar ko siya na baka hindi masarap yung luto niya. nagtalo kami pero natapos din sa kakainin at uubusin ko lahat ng lulutuin niya. Natawa lang ako dahil sa pag uwi ko ng bahay, dumeretso agad ako ng kusina para tingnan ang ulam. At pagtingin ko.. HAHAHAHA
No comments:
Post a Comment